COVID-19 patient, dalawang beses tumakas sa ospital at umuwi sa pamilya

COVID-19 patient, dalawang beses tumakas sa ospital at umuwi sa pamilya

- Viral sa social media ang video ng pagtakas ng isang babaeng COVID-19 patient sa ospital

- Ito raw ang pangalawang beses na pagtakas nito dahil una itong tumakas sa Pasay

- Makikitang nagwawala at ayaw sumama ng pasyente sa mga medical frontliners kahit pa bibigyan lamang din ito ng face mask

- Ayon pa sa isa sa mga taong nasa lugar nang makawala ang babae, kinakikitaan na rin ng sintomas ng COVID-19 ang mga anak nito na pilit niyang inuuwian

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa social media ang nakakaalarmang video ng isang babaeng COVID-19 patient na nakatakas sa ospital sa Sta. Rosa, Laguna.

Nalaman ng KAMI na pangalawang beses na pala nitong tumakas at ang una ay naganap sa isang ospital sa Pasay.

Mula roon, nakarating daw ito sa pamilya niya sa Sta. Rosa kung saan siya nasundo ng mga health workers doon at nadala sa ospital.

Ngunit tulad ng kanyang ginawa sa Pasay, nagpumilit pa rin itong tumakas.

Makikita sa video na nagwawala na ito at ayaw pa ring sumama sa mga medical frontliners na aalalay sana sa kanya sa pagbalik sa ospital.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Aabutan lamang din sana siya ng mask dahil lubhang mapanganib para sa iba ang kanyang ginagawa, ngunit nagsisisigaw pa rin ito at nagawa rin niyang maitapon ang bag.

Ayon sa ulat ng newspapers ph, nais lamang daw ng babae na makapiling ang kanyang pamilya kaya nagpupumilit itong tumakas.

Subalit maririnig sa video na isa sa mga naroon sa lugar habang "nagwawala" ang babae na ang mga anak daw nito ay kinakikitaan ng ng sintomas ng COVID-19.

Hindi man naipakita kung nadakip ang babae, ngunit marami naman ang nakaantabay sa maaring susunod na gawin nito.

Mayroon na ring ambulansyang umaaligid sa lokasyon at mga naka-PPE na medical frontliners.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video mula sa Duterte for OFW na orihinal na binahagi ni John Christian Ilagab:

Magsilbing babala ito sa publiko na hangga't maari ay huwag pa ring lumabas ng bahay lalo na kung may mga nagaganap na ganitong pangyayari.

Paalala na hindi pa rin nawawala ang COVID-19 sa bansa man o sa mundo kaya doble ingat pa rin dapat ang gawin lalo na at hindi natin alam kung sino sa mga nakakasalamuha natin ang positibo na pala sa nakamamatay na virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel