Grab rider na nakasagasa ng 8-anyos, ipina-Tulfo ng pamilya ng bata

Grab rider na nakasagasa ng 8-anyos, ipina-Tulfo ng pamilya ng bata

- Sa programa ni Raffy Tulfo na nga humantong ang viral na insidente kung saan isang 8-anyos na bata ang nasagasaan ng isang Grab rider

- Inireklamo ng pamilya ng bata ang pagpo-post ng partido ng Grab rider na hindi raw naging maganda ang epekto sa kanila

- Pero giit ni idol Raffy, mayroon ding pagkakamali ang kampo ng bata na bibili raw kasi ng yelo kaya nasa labas

- Hindi rin naiwasan ni Tulfo ang sermunan ang mga magulang ng bata na inamin naman ang kanilang pagkakamali

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos mag-viral sa social media ang insidente kung saan isang 8-anyos na bata ang nasagasaan ng isang Grab rider, nauwi na nga ito sa programa ni Raffy Tulfo.

Una nang idinulog ng ina ng bata na si Rosie Vegare ang isyu na nakasama pa raw sa kanila ang nangyari matapos mag-post ng kapatid ng rider.

Ayon sa Facebook post ng ate ng rider na si Jerick Domingo, hinihingan umano sila ng P37,000 para sa pagpapagamot ng biktima. Sinabi rin dito na kasabwat umano ng pamilya ang barangay.

Ikinagalit din ng mga ito ang pananakit ng lolo ng bata sa kanyang kapatid.

Pero giit ng pamilya Vegare, hindi nila pinipilit si Domingo na ibigay ang buong halaga. Inamin din ng mga ito ang panununtok ng lolo ng bata ngunit agad din naman daw umawat ang kanilang iba pang kaanak.

Nais ng pamilya na burahin na lamang ang post ng ate ni Domingo at humingi ang mga ito ng public apology.

Samantala, ayon kay idol Raffy, may kapabayaan din ang mga magulang ng bata sa nangyari lalo pa nang mapag-alaman nito na bibili raw sana ng yelo ang bata kaya ito nasa labas.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bukod dito, dahil nakasailalim pa sa general community quarantine ang lugar, mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas ng mga bata.

Hindi tuloy naiwasan ni Tulfo ang sermunan ang mag-asawang Vergare na inamin naman ang kanilang pagkakamali.

Sa huli, nagkasundo na rin ang dalawang panig na tapusin na sa programa ang kanilang 'di pagkakaintindihan.

Humingi ng tawad ang mag-asawang Vergare dahil sa kanilang naging kapabayaan. Maging ang lolo ng bata na nanuntok kay Domingo ay humingi rin ng paumanhin sa ginawa rito.

Si Domingo naman ay humingi rin ng tawad sa pamilya ng biktima. Ang ate nito na siyang nag-post ng tungkol sa insidente, humingi na rin ng tawad sa pamilya at nangakong buburahin na ang mga nasabing post.

Nagkasundo naman ang mga ito na magtutulungan na lamang sa gastusin para sa operasyon ng bata ngunit hindi maaaring pilitin si Domingo ayon kay Tulfo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel