DOJ, natunton na ang kinaroroonan ng lalaking nagbanta kay Frankie Pangilinan

DOJ, natunton na ang kinaroroonan ng lalaking nagbanta kay Frankie Pangilinan

- Natunton na ng Department of Justice ang kinaroroonan ng lalaking di umano'y nagbanta ng pang-aabuso kay Frankie Pangilinan

- Nagbigay ng update ang DOJ kaugnay ng kontrobersyal na komento ng lalaking nagngangalang Sonny Alcos na siyang ikinagalit ng ina ni Frankie na si Megastar Sharon Cuneta

- Gumamit ang DOJ ng iba't ibang sistema upang masigurong tamang tao ang kanilang natutunton

- Maging ang Facebook ay napakiusapan nilang i-preserve ang mga ebidensya kung saan nai-post ng lalaki ang pagbabanta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inanunsyo ng Department of Justice (DOJ) ang mabilis na pag-usad ng paghahanap sa lalaking nagngangalang Sonny Alcos na di umano'y nagbanta ng pang-aabuso sa anak nina Megastar Sharon Cuneta at Senator Francis Pangilinan na si Frankie.

Nalaman ng KAMI na gumawa ng ingay si Alcos nang magkomento ito ng pagbabanta kay Frankie na ikinagalit ng mga magulang nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News ngayong Hunyo 23, nahanap na ng DOJ ang kinaroroonan ni Alcos ngunit patuloy pa rin ang pagsasagawa nila ng mga hakbang upang masigurong tamang tao ang kanilang natutunton.

"The DOJ-Office of Cybercrime has ascertained the identity and location of the person who allegedly threatened Frankie Pangilinan," pahayag ni Undersecretary Markk Perete, spokesperson ng Department of Justice sa pahayag niya kaharap ng mga reporters.

Gumamit ng "open-source intelligence" ang mga awtoridad upang makumpirma na ang taong pinaghahanap nila ay totoo, maging ang kasalukuyan nitong tirahan at pati na rin ang kasalukuyan nitong trabaho.

Nagkapagpadala na rin umano ng request ang cybercrime office ng departamento sa Facebook na i-preserve ang ilang post na magsisilbing ebidensya sa akusado.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naunang ulat ng KAMI, nabanggit ng Megastar na may posibilidad na nasa London ang lalaki at tila nagkaroon na sila ng lead sa employer nito.

Pinag-aaralan na rin ng DOJ ang mga kasong maaring maisampa laban sa lalaki sakaling mapatunayan na totoo ang mga paratang sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel