Gawain ng ilang trabahador ng sikat na shipping service, sapul sa video

Gawain ng ilang trabahador ng sikat na shipping service, sapul sa video

- Sapul sa video kung paano itinatapong parang basura ng mga trabahador ng isang sikat na shipping service ang mga produktong kanilang ide-deliver

- Nabahala ang mga netizens na nakapanood ng video lalo na ang mga online sellers na nagtitiwala sa delivery service ng kompanya

- Ayon pa sa ilang netizens, ito raw marahil ang dahilan kung bakit dumarating na sira o basag ang kanilang mga orders

- Sa ngayon, wala pang pahayag ang shipping and delivery service ukol sa viral video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena online ang di umano'y hindi maayos na pagsasalansan ng mga produkto na ide-deliver ng isang kilalang courier service sa bansa.

Nalaman ng KAMI na isa kasi sila sa mga pinagkakatiwalaan ng online sellers sa pagpapadala ng mga produkto nila sa kanilang mga customers.

Lalo na sa panahon ngayon na halos lahat ay umaasa sa delivery services, nakapanlulumong makita na may ganitong klaseng kaganapan sa pagpapadala ng mga produkto.

Sa binahaging video ng Trending News and Viral, makikita ang ilang mga trabahador na tinatapong parang mga basura ang mga nakabalot na items na kanilang ide-deliver pa lamang.

Nabahala ang mga netizens sa kanilang nakita lalo na ng mga online sellers na nakapanood ng video.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Maayos raw kasi nilang pinapadala ang mga orders ng kanilang suki ngunit sa pagdedeliver daw pala nagkakaroon ng problema.

May ilan namang nagsasabi na maaring ang mga produktong ito ay pawang mga "naka-bubble wrap" kaya malakas ang loob ng mga trabahador na ganito ang gawin sa mga items upang mas mapabilis ang kanilang trabaho.

Gayunpaman, di maiwasang mag-alala ng karamihan lalo na sa mga tumatangkilik sa mga online delivery services.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mag komento:

"Walang pgmamahal sa trabaho nila. At wala concern sa company na masira dahil sa kagagawan ng mga iyan. Kawawa naman mga may-ari ng kompanya"
"Kawawa naman yung mga online sellers na maayos na nagpadala ng kanilang produkto, sa delivery pala nagkakatalo"
"Madadamay pa ang kompanya niya sa kagagawa ninyo, ayusin niyo naman po sana, baka kayo rin ang magsisi sa huli."
"Buti sana kung kayo ang magpapalit ng mga masisirang itens, ang masisi parin ay mga seller, be responsible po sana"
"Hindi rason na naka-bubble wrap naman at safe ang product. Mishandling pa rin ito."

Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag ang naturang courier service kaugnay sa nag-viral na video.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel