Pasahero, naging emosyonal nang malaman ang kalagayan ng driver ng nasakyang jeep

Pasahero, naging emosyonal nang malaman ang kalagayan ng driver ng nasakyang jeep

- Viral ang post ng isang pasahero ang naging pag-uusap nila ng driver ng jeep na nasakyan

- Nagulat ito ng malamang kaunting halaga lamang ang nadagdag sa pamasahe at matumal pa ang kanilang kita

- Limitado raw kasi ang maaaring sumakay sa jeep kaya hindi maka-todo ng kita

- Laking tuwa ng driver sa surpresang ginawa ng pasahero na sa maliit na bagay ay napasaya siya nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng pasaherong si Albert Rizon Teido ang naging usapan nila ng tsuper ng nasakyan niyang jeep.

Nagulat daw kasi si Albert nang malamang dalawang piso lamang ang idinagdag na pasahe sa jeep na ang inaakala niya ay mas mataas pa.

Nalaman ng KAMI na lakas loob na inusisa ng pasahero ang lagay ng pasada ng tsuper gayung hindi niya maaring mapuno ang jeep bilang pagsunod sa safety protocol laban sa COVID-19.

"Wala kita, Boundary, Gasolina, tapos kalahati lang pwede isakay, wala pa masyado pasahero. .. dati punuuan nakaka Libo kame sa isang araw, ngayon, maswerte na kung maka-bigas pag-uwi. Ayos na din kesa wala," ang nakakadurog ng pusong sagot sa kanya ng driver nang ito ay kanyang kumustahin.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dala ng matinding pagmamalasakit sa tsuper, naisipan ni Albert na doblehin ang bayad niya gayung okupado naman daw niya ang dalawang upuan sa unahan na dati ay pwede pang ma-okupahan ng isa.

Laking tuwa raw ng tsuper nang gawin ito ng pasahero. Maliit na bagay lamang daw ang nagawa ni Albert ngunit ganoon na lamang ang kasiyahan ng driver.

Isa lamang ito sa mga pinagdaraanan ng mga jeepney driver ngayon kaya naman maswerteng nakakapasada pa ang nakasalamuhang driver na ito ni Albert.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang sa naunang ulat ng KAMI, nakalaboso ang ilang jeepney driver kasama na ang 72-anyos na si Elmer Cordero dahil lamang sa pamamalimos sa may EDSA Caloocan.

Wala na raw umanong makain ang mga tsuper na hindi makapasada, halos tatlong buwan na itinatagal.

Isa lamang sila sa mga labis na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa krisis na dala ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel