Tindero ng asin na naaksidente at nasiraan ng bisikleta, nabiyayaan ng bagong bike

Tindero ng asin na naaksidente at nasiraan ng bisikleta, nabiyayaan ng bagong bike

- Minsan nang naaksidente sa bisikleta ang tindero na ito ng asin makapaglako lamang at may kitain

- Luma at bumibigay na talaga ang ilang bahagi ng kanyang bisikleta na naging sanhi ng kanyang aksidente

- Ngunit dahil kailangan niyang maghanapbuhay, pilit niya itong inayos upang may magamit sa apat na oras niyang paglalakbay

- Isa siya sa maswerteng nabiyayaan ng bagong bike ng programang Unang Hirit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang maswerteng tindero ng asin ang nabiyayaan ng bagong bisikleta mula sa programang Unang Hirit.

Nalaman ng KAMI na sira na ang bisikletang ginagamit ng tinderong si Alexander Lombos na siyang naging dahilan ng kanyang aksidente.

Ngunit dahil kailangan niyang kumita at maghanapbuhay, tinalian na lamang niya ang sira ng bisikleta sa gulong at tinitiis niya na wala pa rin itong preno.

Apat na oras itong pumapadyak mula sa kanyang tahanan sa Trece Martires sa Cavite patungo sa Parañaque kung saan siya naglalako ng asin.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil sa kanyang kasipagan sa kabila ng hirap ng kanyang tinatahak magkaroon lamang ng kikitain sa araw-araw, isa siya sa nabiyayaan ng progrmang Unang Hirit ng bagong bisikleta.

Bukod sa bagong bike, sinamahan na rin nila ito ng bagong helmet, reflective gear, at blinking light upang maging ligtas si Alexander sa pagbibisikleta at di na maulit pa ang aksidenteng sinapit.

Bahagi rin ito ng proyekto ng Unang Hirit na #UHLigtasPadyakProject.

Bakas sa mukha ni Alexander ang kasiyahan na nagkaroon siya ng bagong bike para sa kanyang hanapbuhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayon, ang apat na oras niyang biyahe ay mababawasan na dahil tiyak siyang maayos na ang bisikletang pinapadyak at mayroon na rin siyang helmet at ibang proteksyon para masiguro ang kanyang kaligtasan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel