Kalunos-lunos na kinahinatnan ng 1 OFW dahil sa COVID-19, viral

Kalunos-lunos na kinahinatnan ng 1 OFW dahil sa COVID-19, viral

- Kalunos-lunos ang naging sitwasyon ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa Riyadh, Saudi Arabia

- Pumanaw ito matapos tamaan ng nakamamatay na virus na COVID-19

- Ang kanyang mga kasamahan lamang ang siyang nag-asikaso rito dahil wala umanong natanggap na tulong mula sa kanilang kompanya roon

- Umani naman ito ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umantig sa damdamin ng marami ang mga video na tungkol sa isang overseas Filipino worker (OFW) sa Riyadh, Saudi Arabia.

Sa Facebook page na OFW JOIN FORCE - Ang Boses At Kakampi Ng Mga OFW naibahagi ang kinahinatnan ng ating kababayang si Geronimo Dote na pumanaw matapos dapuan ng COVID-19.

Ang kanyang mga kasamahan lamang ang siyang nag-asikaso rito dahil wala umanong natanggap na tulong mula sa kanilang kompanya roon.

Sa isang video, makikita pa ang mga huling sandali ni Dote. Habang sa isa naman ay makikita ang kalunos-lunos na lagay nito sa kanilang tinitirahan.

Bakas ang hirap at pagdurusa rito na halatang labis na pinahihirapan ng nakamamatay na virus.

Umani naman ito ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"R.I.P kabayan mahirap talaga Ang buhay OFW Lalo na dyan sa middle East...at covid pandemic pa..lalong mas mahirapan mga kababayan natin dyan."
"Dios ko lord bakit ganyan nmn.. Wala b tlaga nakaka pansin sa mga kapwa natin... Lalo n mga ofw sana makita nyo nmn."
"Nkakaiyak oi nkakadurog ng puso may makita kang ofw n nhihirapan."
"Condolence para sa pamilya n kabayan kayu din mga kasama nya ingat po kayu pray nlang talaga."
"Nakakaiyak at nakakatakot. Lord ikaw lng nkakalam sa lahat wagmo sna pababayaan ang mga tao mo dto sa Mundo."

Kamakailan lang ay napabalita ang naging sitwasyon ng ating mga kababayan sa ibang bansa ngayong may pandemya.

Ang ilan pa nga sa mga ito ay namumulot na lamang ng maaaring makain sa mga basurahan para manatiling buhay, na nauna nang naibalita ng KAMI.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang report ng KAMI, isa pang OFW na nag-viral kamakailan dahil sa kanyang paghingi ng tulong sa social media ang pumanaw na rin.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel