Taho vendor na minsan nang natulungan ni Raffy Tulfo, naluha sa bagong surpresa nito sa kanya

Taho vendor na minsan nang natulungan ni Raffy Tulfo, naluha sa bagong surpresa nito sa kanya

- Emosyonal ang taho vendor na si Mario Cunanan nang muli siyang surpresahin ng kanyang Idol Raffy

- Minsan na siya nitong nabigyan ng e-bike at sariling puhunan sa pagnenegosyo nito ng taho na malaki raw ang naitulong sa kanyang kabuhayan

- Ngunit dahil sa community quarantine dala ng COVID-19, ilang buwan din siyang walang kita at aminadong gutom ang inabot nila

- Masayang masaya ang pamilya ni Tatay Mario nang muli na naman silang bigyan ng surpresa ni Raffy Tulfo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilang maluha ng 73-anyos na taho vendor na si Mario Cunanan nang bisitahin muli siya ng staff ng programa ni Raffy Tulfo.

Matatandaang si Tatay Mario ay minsan nang naibahagi ng KAMI dahil natulungan siya ng kanyang Idol Raffy na magkaroon ng e-bike para hindi na siya mahirapan sa pagbubuhat ng taho.

Malaking tulong daw iyong sa paglalako ni Tatay Mario lalo na at binigyan din siya noon ng sariling puhunan ng kanyang idol.

Ngunit dala ng krisis ng COVID-19, ilang buwan ding natengga at walang kita si Tatay Mario dahil sa community quarantine.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Halos isang beses na lamang kumakain ang kanyang pamilya sa sobrang gipit o di kaya ay namimitas na lamang sila ng gulay sa bakuran upang may mai-ulam.

Nami-miss na rin daw ni Tatay Mario ang maglako ng taho dahil naiisip din niya ang mga suki niyang hindi na nakakasalamuha sa loob ng mahigit tatlong buwan.

Nakatanggap man daw ng ayuda, aminado siyang hindi ito sapat lalo na at hindi pa rin siya makabalik sa paglalako kaya humingi siya ng saklolo sa kanyang Idol Raffy.

Hindi niya alam na kaya naroon ang staff ay upang bigyan siya ng tulong partikular na ang mga pagkain upang hindi kumalam ang kanilang mga tiyan.

Maluha-luha si Tatay Mario nang tanggapin niya ang mga biyayang handog sa kanya ni Tulfo. Hindi raw niya kasi akalain na may mabuting taong magmamalasakit sa kanila lalo na sa panahon ng pandemya.

Masayang nagpaalam ang pamilya ni Tatay Mario sa staff ng programa ni Tulfo at taos-puso silang nagpasalamat dito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel