Lolong nagkandakuba na sa pagbuhat ng panindang taho, viral sa socmed

Lolong nagkandakuba na sa pagbuhat ng panindang taho, viral sa socmed

- Umantig sa puso ng maraming netizens ang larawan ng isang matandang taho vendor

- Sa nasabing larawan na kuha ng isang netizen, makikita na nagkakandakuba na ang matanda sa pagbubuhat ng kanyang panindang taho

- Mabilis na nag-viral ang mga larawan nito na ibinahagi sa social media at umabot na nga sa libo-libo ang reactions at shares nito

- May ilan namang netizens ang nagpabatid ng pagnanais na matulungan ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming netizens ang naantig ang puso sa mga larawan ng isang matandang taho vendor na ibinahagi sa social media.

Sa nasabing post na ibinahagi ng netizen na si JS Gervacio noong May 19, makikita na nagkakandakuba na ang matanda sa pagbubuhat ng lalagyan ng kanyang panindang taho.

Mabilis na nag-viral ang Facebook post ni Gervacio at umabot na nga sa libo-libo ang reactions at shares nito.

May ilan namang netizens ang nagpabatid ng pagnanais na matulungan ang matanda.

Samantala, isang netizen naman na nagpakilalang anak ni lolo ang nagsabing nasa maayos na kalagayan ang kanilang ama.

Nilinaw din nito na noong June 2019 pa kuha ang naturang mga larawan.

"Salamat po sa concern niyo papa namin. Ang totoo po ay ginagamit lang po ang Papa namin sa pag likom nang pundo na hindi namin alam. Ang papa namin po ay nasa maayos na galagayan. Ang picture na yan ay kuha nong june of 2019 pa," ayon dito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Godbless tay sana mahaba pa buhay nyu."
"Mag iingat po kayo tay sa pag bebenta ng taho godbless po sainyo kape safe po sainyo."
"Godbless you po tatay palagi po kayong mag iingat. sana po palaging ubos yung tinda niyo."
"Naiyak ako tay my lord gabayan mo si tatay wag mo po siya papabayaan ibigay niyo po sa kanyan ang magandang kalusugan at iBless mo po siya."
"Lord please help nyo po si tatay sa araw araw nya. Palakasin nyo po siya plagi. ang sakit sa puso na makakita ng ganito."
"Kung marami lang akong pera, I would help you tatay I'm sorry. All I can give is prayer. Stay strong tatay! Wag masyadong magpapagod."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel