Lolo na jeepney driver, humingi ng tulong sa kalsada nitong Father’s Day

Lolo na jeepney driver, humingi ng tulong sa kalsada nitong Father’s Day

- Naging viral sa social media ngayon ang paghihingi ng tulong ng isang tatay na jeepney driver

- Kasabay ng pagbati niya sa mga kapwa ama niya nitong Father’s Day ang kanyang pamamalimos sa kalsada

- Maging ang mga netizens ay naawa sa kasalukuyang kalagayan ni lolo dahil sa tindi ng kahirapan

- Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin pinapayagan ng gobyerno ang pagbabalik pasada ng mga jeepney dahil sa community quarantine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tampok sa social media ngayon ang isang lolo na jeepney driver dahil sa kanyang paghingi ng tulong sa kalsada nitong Father’s Day.

Nalaman ng KAMI na kasabay nito ang kanyang pagbati sa mga kapwa tatay niya.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, si tatay Alberto Manuel Jr. ay namamalimos na ngayon dahil hindi pa rin sila pwedeng bumalik sa pamamasada.

“Happy Father’s Day po sa kapwa ko tatay. Salamat po,” sabi sa kanyang karatula.

“Kami po ay driver ng jeep. Konting tulong lang po sa mga taong may mabuting kalooban. Salamat po,” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil sa banta ng COVID-19 sa Pilipinas ay nagpatupad ng community quarantine ang gobyerno at mahigpit na ipinagbabawal ang mass transportation mula noong ika-16 ng Marso. Sa ngayon ay iilang mass transportation pa lang ang pinapayagang pumasada.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, maging ang mga netizens ay naawa sa kalagayn ni tatay Alberto ngayong tigil pasada pa rin ang jeepney drivers dahil sa community quarantine.

Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“Wag niyo naman tuluyan patayin ang alaala yan mga jeep na yan isa sa kilala sa pinas tapos papalitan na ng bago kawawa naman din yong mga tao ano nalang gagawin nila kahit matanda nag sumikap mag byahe para lang may maipakain sa pamilya.”
“Grabe imagine tatay mo sya, namamalimos, hinang-hina na. Pls payagan nyo na po sila maka-biyahe, susunod naman po siguro sila protocol. Nakaka-awa, gusto din nila kumita. Alam nyo po ba yung SYMPATHY?”
“Haizt sakit sa puso, sana makabalik na yung mga traditional jeep, ang kailangan lang proper guidelines sa lahat and always wear face mask”

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel