Samalamig vendor, umani ng papuri dahil sa kanyang simpleng tulong

Samalamig vendor, umani ng papuri dahil sa kanyang simpleng tulong

- Mabilis na nag-viral sa social media ang isang maiksing video tampok ang isang samalamig vendor

- Sa naturang video makikita ang pagbibigay nito ng libreng inumin na kanyang itinitinda sa isang lalaking nangangalakal

- Kita naman na nabigla rin at pilit pa sanang tinanggihan ng mangangalakal ang ibinibigay sa kanya ng mabuting vendor

- Hindi naman batid ng vendor na nakuhanan na ng isang netizen ang kanyang ginawa na umani ng papuri sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagbigay ngiti at inspirasyon sa marami ang isang viral video tampok ang isang samalamig vendor.

Sa naturang video na in-upload ng netizen na si Pauline Louise Vizcarra, naaktuhan ang vendor nang bigyan nito ng libreng inumin na kanyang itinitinda ang isang lalaking nangangalakal.

Napangiti man ang mangangalakal, tinanggihan pa nito noong una ang inuming ibinibigay sa kanya ngunit sa huli ay tinanggap din nito.

Hindi naman batid ng vendor na nakuhanan na ng isang netizen ang kanyang ginawa na umani ng papuri sa social media.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Naiyak naman ako dito."
"Saludo ako sayo tol."
"Nakangiti si manong tinanggap ung palamig."
"Napaka liit n tulong pero nakakaantig ng puso."
"Simple lang yan.. pero big deal na kay God."
"Simpling palamig Lang sarap sa feeling ng response ni manong."
"Minsan mga ganyang tao pa talaga may mga totoong ugali at gintong puso!! One of the best vids!!"
"Sa tu2o lng mahihirap lng tlga ang nakakaintindi sa kapwa mahirap."

Nagpapatunay lang ito na ang pagtulong sa kapwa ay hindi nasusukat sa liit o laki ng kaya nating ibigay. Ang importante, bukal ito sa puso at hindi naghahangad ng kahit na anong kapalit.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel