Sen. Hontiveros, may ‘real talk’ ngayong lagpas 30,000 na ang kaso ng COVID-19 sa Pinas

Sen. Hontiveros, may ‘real talk’ ngayong lagpas 30,000 na ang kaso ng COVID-19 sa Pinas

- Ngayong lagpas 30,000 na ang kaso ng COVID-19 sa bansa, naglabas ng opinyon si Sen. Risa Hontiveros dito

- Aniya, hindi raw ito kasalanan ng mga “pasaway” na Pilipino kundi ng hindi maayos na pagpapatupad ng patakaran ng gobyerno

- Ang paninisi raw sa mga pasaway na Pinoy ay isang distraction para sa mas dapat gawin ngayong may pandemya

- Sa ngayon ay may naitalang 30,052 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang Department of Health sa Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naglabas ng saloobin si Senadora Risa Hontiveros ngayong lumampas na sa 30,000 ang kaso ng COVID-19 sa buong Pilipinas.

Nalaman ng KAMI na may “real talk” si Senadora ngayong patuloy ang pagdami ng kaso sa bansa.

Ayon sa kanyang Facebook post, ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay hindi dahil pasaway ang mga Pinoy ngayong may community quarantine.

“REAL TALK: Hindi ito dahil pasaway ang mga Pinoy,” aniya.

Paliwanag niya, kung may maayos na patakaran ang gobyerno ay susunod naman ang mga Pinoy dito.

“Kung may maayos na measures, susunod sila,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa ulat ng GMA News Online, pinaliwanag ni Hontiveros, ang paninisi ng gobyerno sa mga pasaway na Pinoy ay isang paraan upang ilihis ang pangangailangan para sugpuin ang coronavirus.

“Realtalk: hindi ito dahil pasaway ang mga Pinoy. Given the proper safeguards and correct measures, Filipinos will cooperate for our health and safety,” sabi niya.

"Blaming Filipinos for the surge in cases distracts from the need to better our approach towards the pandemic. COVID-19 is first and foremost a health problem,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna namang naibalita ng KAMI na noong Sabado ay halos 1,000 ang naitalang bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), may naitalang 30,052 kumpirmadong kaso ngayon ng COVID-19 sa buong Pilipinas. Ang 20,990 ay active cases pa rin sa ngayon at nasa 7,893 na ang gumaling sa sakit na ito.

Si Risa Hontiveros ay kilala bilang Senador na galing sa oposisyon. Siya ang nakakatanda na kapatid ng journalist at TV host na si Ginggay at Pia Hontiveros.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel