Dalaga, nagluluksa sa maaga at biglaang pagkamatay ng kanyang nobyo

Dalaga, nagluluksa sa maaga at biglaang pagkamatay ng kanyang nobyo

- Sa isang mahabang Facebook post inalala ng isang dalaga ang kanyang namayapang nobyo

- Sa nasabing post, ibinahagi nito ang istorya ng kanilang pagmamahalan na maagang tinapos ng malubhang karamdaman

- Nito lamang Hunyo nang bawian ng buhay ang binata dahil sa diabetes at impeksyon

- Ngunit sa kabila ng pangungulila, nananatiling matatag ang naiwang nobya para ipagpatuloy ang kanilang sinisimulan pa lang na pangarap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pamamagitan ng isang mahabang Facebook post, inalala ng netizen na si Mylene Punzalan ang nobyo na maaga at biglaang pumanaw dahil sa isang malubhang sakit.

Sa nasabing post na mabilis nag-viral sa social media, ibinahagi ni Punzalan ang kanilang istorya bilang magkaibigan hanggang sa naging magkasintahan.

Kanya ring ikinuwento ang pagiging mapagmahal at maalalahanin ng nobyo. Kahanga-hanga rin na naging sentro ng kanilang pagmamahalan ang Diyos.

At sa kabila ng kanilang bata pang edad, pinatunayan nilang hindi nasusukat dito ang katatagan ng isang relasyon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ngunit nito lamang Hunyo 2, 2020, naputol ang maganda sanang pag-ibig nito sa nobyo na si Daniel John "DJ" Ayap dahil sa sakit na diabetes at impeksyon.

Nangungulila man, nananatiling matatag ang naiwang nobya para ipagpatuloy ang kanilang sinisimulan pa lang na pangarap.

"It’s an honor for me na gamitin ni Lord para mareach out ka at magkaroon ng relationship sa kanya.

"I want you to know na sobrang blessed ako kasi dumating ka sa buhay ko, sobrang dami kong natutunan sayo, sobrang laki ng tulong mo, at sobrang nagpagamit ka kay Lord para mag grow din ako.

"Masakit man itong biglaang pangyayari, pero gagamitin ko ‘to para ipagpatuloy ang goal natin at purpose ko," ayon kay Punzalan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel