Buntis, nasawi matapos na tanggihan ng 8 ospital sa loob ng 15 oras
- Nasawi ang isang buntis sa India matapos siyang tanggihan ng walong ospital sa loob ng 15 oras
- Alas singko pa lamang ng umaga nang magsimula silang mag-asawa na maghanap ng ospital na titingin sa buntis matapos nitong makaramdam ng pananakit ng tiyan
- Wala talagang tumatanggap sa kanilang ospital at maging ang ikaapat na pinuntahan nila kung saan sinabi ng doktor na nag-aagaw buhay na buntis ay tinanggihan pa rin sila
- Maging ang sanggol sa sinapupunan ay pumanaw din sa pagdating nila sa ikawalong ospital
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kalunos-lunos ang sinapit ng isang buntis sa India na di tinatanggap ng nasa walong ospital sa kabila ng pananakit na ng tiyan at nagli-labor na.
Nalaman ng KAMI na alas singko pa lamang ng umaga nang magsimulang nakaramdam ng labor pain si Neelam Kumari Gautam.
Agad naman siyang dinala sa ospital ng kanyang mister ngunit tinanggihan agad sila ng unang ospital na pinuntahan nila.
Unti-unti nang nanghina si Neelam at hirap na rin itong huminga habang naghahanap ng ospital na tatanggap sa kanya.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Base sa ulat ng ABS-CBN, maging ang mister nito na si Bijendra Singh ay nakararamdam na rin ng pangamba dahil alam niya ang rason kung bakit tinatanggihan sila ng mga ospital.
Isang clinic lamang ang ikatlo nilang napuntahan. Bagaman at nilapatan na siya pansumandali ng oxygen at ventilator, pinaliwanag naman ng mga health workers doon na maliit lamang ang kanilang lugar kaya malaki ang posibilidad na magkaroooon ng COVID-19 ang misis at maging ang sanggol kaya naghanap muli sila ng ospital.
Tahimik na lamang si Neelam at di gaya sa mga naunang ospital na nakakaimik pa ito.
Sa ikaapat na ospital, tinapat na sila ng doktor na naghihingalo na si Neelam ngunit di pa rin siya tinanggap doon.
Doon, nagpasyang dumulog ang mister sa pulisya upang tulungan silang makahanap ng ospital na tutulong sa kanyang asawa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa kasamaang palad, kahit nakikiusap na rin ang pulis at patuloy pa rin silang tinatanggihan ng mga ospital.
Base sa ulat ng The New York Times, walong oras na ang nagdaan ngunit wala pa ring ospital na tumatanggap kay Neelam kaya naman naisip ng mga pulis na dalhin na ito sa Max Super Specialty Hospital na may 25 milya ang layo sa kanila.
Nang makarating doon, wala na rin daw kwarto o kama na maaring paglagyan kay Neelam.
Ang tangi na lang naimik ng buntis ay "Isalba niyo ako!"
Bumalik sila sa Government Institute of Medical Sciences ngunit nang kukuha pa lamang ng wheelchair ang mister, alam niyang wala na ang kanyang misis.
Bandang 8:00 ng gabing iyon matapos ang pag-iikot sa walong ospital, pumanaw na si Neelam.
Sa kasamaang palad, maging ang sanggol sa kanyang sinapupunan ay nasawi rin.
Sa paunang imbestigasyon ng kanilang pamahalaan sa nakakaalarmang pangyayari, guilty ang mga Hospital administration at staff ng mga napuntahang ospital ng mag-asawa at litaw na litaw ang kapabayaan ng mga ito sa kaso ni Neelam.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh