Wuhan University, nagdaos ng emosyonal na "special graduation"

Wuhan University, nagdaos ng emosyonal na "special graduation"

- Nagsagawa ng graduation rites ang Wuhan University na dinaluhan ng 660 nilang mga estudyante

- Kapansin-pansin ang "social distancing" sa seremonya, at naka-face mask ang mga dumalo

- Bahagi ng seremonya ang pagbibigay galang sa mga namayapa nilang kababayan dahil sa COVID-19

- Sa mga hindi nakadalo ng seremonya, maari pa rin silang dumalo sa gaganaping graduation rites sa susunod na tatlong taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagdaos ng graduation rites ang Wuhan University kung saan 660 ang mga nakadalo at nakumpirma ang kanilang pagtatapos.

Nalaman ng KAMI na naganap ito noong Hunyo 20 sa kanila mismong school grounds.

Sa mga larawang binahagi ng CGTN, kapansin-pansin ang social distancing kaya naman halos ma-okupa na ng mga graduates ang buong field ng kanilang paaralan.

Sa buong seremonya, nakasuot rin ng face mask ang mga estudyante bilang pag-iingat pa rin sa patuloy na banta ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bahagi rin ng programa ang sandaling katahimikan bilang pagbibigay galang at pag-alala sa mga kababayan nilang pumanaw dahil sa nakamamatay na virus.

Sa mga hindi nakadalo ng pagtatapos, maari pa rin silang sumama sa gaganaping graduation rites sa susunod na tatlong taon.

Nagbukas muli ang unibersidad nito lamang Hunyo matapos ang anim na buwan na pagsasara.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang ang Wuhan City sa Hubei Province China ang sinasabing pinagmulan at naging episentro ng coronavirus disease 2019 noong Disyembre ng nakaraang taon.

Mabilis na kumalat ang virus sa iba't ibang bahagi ng mundo na naging dahilan ng malawakang lockdown sa maraming bansa.

Sa ngayon, pinasara muli ng Beijing ang mga paaralan sa kanilang lugar dala ng paglobo muli ng bilang ng bagong kaso ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel