Kim Molina, may buwelta laban sa mga body-shaming comments sa kanyang litrato

Kim Molina, may buwelta laban sa mga body-shaming comments sa kanyang litrato

- Palaban at kwela ang sagot ni Kim Molina laban sa mga body-shaming comments ng netizens sa kanyang litrato

- Ito ay matapos niyang ibahagi sa Instagram ang litrato niya na litaw ang itaas na bahagi ng kanyang dibdib

- Banat ng Kapamilya actress, social distancing din ang kanyang hinaharap kaya ito hiwalay

- Marami ang naaliw at natawa sa pahayag ni Kim sa kabila ng hindi magandang komentong kanyang natanggap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naaliw sa buwelta ni Kim Molina sa mga body-shaming comments ng netizens sa kanyang litrato. kaugnay ito sa kanyang litrato na ibinahagi sa Instagram kung saan kita ang itaas na bahagi ng kanyang 'hinaharap'.

Sa halip na mapikon at patulan ang mga negatibong komento, pabiro niyang sinagot ang mga ito. Aniya, "(P. S. Dahil ang daming hanash: Problema niyo sa b*obs kong hiwalay? Eh social distancing nga diba ✌️ In all shape or form, WE ARE JOWABLE Sending good vibes to all ) #BodyPositivity"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami ang natawa at naaliw sa pahayag na ito ni Kim.

Waaahahahahahaaa!!! Dami kong tawa sa b*obs na hiwalay. Mga tao talaga. Ganyan talaga normal naman yan. Pero tawang tawa talaga ako.
Ganyan dapat! Imbes na patulan at magpakaimbiyerna, pagtripan mo rin sila. Wala lang magawa sa mga buhay nila.
Dapat naman talaga matigil na ang body-shaming. Lahat tayo ay iba't-iba ang build at katangian ng katawan kaya imbes na mamintas, matuto tayong tanggapin ang pagkakaiba ng lahat.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Kim Molina ay isang Filipina singer and actress for TV, Film, and Theater. Gumanap siya bilang si Aileen sa hit Filipino stage musical na Rak Of Aegis. Ilan sa mga naging pagganap niya sa mundo ng telebisyon ay bilang si "Savannah" ng Kadenang Ginto, "Peng" ng Momol Nights, at"Elsa" ng box office hit movie na #Jowable.

POPULAR: Read more about entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel