Matteo Guidicelli, inulan ng komento dahil sa kanyang unboxing video sa YouTube

Matteo Guidicelli, inulan ng komento dahil sa kanyang unboxing video sa YouTube

- Inulan ng komento ang kauna-unahang unboxing video ni Matteo Guidicelli

- Inamin ng aktor na hindi siya sanay gumawa ng unboxing videos at first time niya umano iyon

- Matapos niyang punitin ang pinakabalot ng box ng PS4 pro, saka lamang niya nabasa na kailangan iyon para sa warranty

- Umani ng samu't-saring reaksiyon ang nasabing video lalo na mula sa mga gamers

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Samu't-sari ang naging reaksiyon ng netizens sa kauna-unahang unboxing video ni Matteo Guidicelli.

Pagbabahagi ng aktor, nagkaroon siya ng Playstation noong siya ay bata pa pero hindi na nakabili para sa kanyang sarili simula noon. Gayunapaman, nabilhan niya ang kapatid niya ng PS4 at nagustuhan umano niya ito at hinimok ang kanyang kuya na bumili rin.

Paglilinaw ni Matteo, hindi siya sanay gumawa ng unboxing videos. Sa kanyang pagbukas ng PS4, una niyang pinunit ang outer sleeve ng box ng PS4, saka lamang niya nabasa ang instruction na kailangan pala ito para sa warranty.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Humingi siya ng paumanhin pero hindi ito nakapigil sa pagbahagi ng komento ng ilang mga netizens:

This is how rich people do unboxing, doesn't care about the warranty.
I don't know if he's trying to just throw everything away or it's just him naturally. But whatever it is, slamming and throwing everything looks like Sarah is in trouble. He looked so arrogant and priviliged.
Matteo being questioned if he's good enough to Sarah just because he doesn't know how to unbox. Lol. That doesn't sound fair.

Hindi din niya nakaligtaang pasalamatan ang Playstation Asia sa pagpapadala ng nasabing PS4.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Matteo Guidicelli ay isang actor, commercial model at isang athlete. Siya ang asawa ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

POPULAR: Read more about Entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel