Angelina Jolie, ibinahagi ang dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay kay Brad Pitt

Angelina Jolie, ibinahagi ang dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay kay Brad Pitt

- Matapos ang halos apat na taon mula nang maghiwalay ibinahagi ni Angelina Jolie ang umano'y dahilan ng paghihiwalay nila ni Brad Pitt

- Naniniwala siyang tama ang kanyang naging desisyon at ito ay para sa ikabubuti umano ng kanilang pamilya

- Pinagtutuonan umano niya ng pansin ngayon ang "healing" ng kanilang anim na anak na apektado sa mga lumalabas na isyu

- Nagsama ang dating mag-asawa sa loob ng 12 taon bago ang kanilang paghihiwalay noong 2016

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa unang pagkakataon ay nagsalita ang Hollywood superstar na si Angelina Jolie kaugnay sa dailan ng paghihiwalay nila ng dating asawang si Brad Pitt.

Sa isang panayam sa Vogue India, nilinaw niyang naniniwala siyang tama ang kanyang naging desisyon.

"I separated for the well-being of my family. It was the right decision,” pagpapaliwanag niya.

Aniya, pinagtutuunan niya ng pansin ang healing ng kanyang anim na anak.

“I continue to focus on their healing. Some have taken advantage of my silence, and the children see lies about themselves in the media, but I remind them that they know their own truth and their own minds. In fact, they are six very brave, very strong young people,” paglalahad niya.

Ibinahagi niya rin ang kanyang pananaw sa adoption.

“All adopted children come with a beautiful mystery of a world that is meeting yours. When they are from another race and foreign land, that mystery, that gift, is so full. For them, they must never lose touch with where they came from. They have roots that you do not. Honor them. Learn from them.”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinagpapasalamat niya umanong nabigyan siya ng pagkakataong maging ina sa kanyang anim na anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sina Angelina Jolie at Brad Pitt ay nagsama sa loob ng 12 taon bago ang kanilang kontrobersiyal na hiwalayan noong 2016. Nakilala ang tambalan nila sa bansag na Brangelina.

Sila ay may ani na anak, sina Maddox, Pax, Zahara, Shiloh, Vivienne, at Knox.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel