Ama na may down syndrome, ipinagmamalaki pa rin ng anak sa kabila ng kanyang kondisyon

Ama na may down syndrome, ipinagmamalaki pa rin ng anak sa kabila ng kanyang kondisyon

- Marami ang napaluha sa kwento ng isang anak ng mayroong down syndrome

- Aminadong nararanasan niyang lokohin ng iba dahil sa kakaiba ang kanyang ama

- Sa kabila nito, mahal na mahal pa rin niya ang kanyang ama at proud siya sa mga kinakaya nito sa buhay

- Hiling niyang dumating ang araw na maihatid pa siya nito sa altar sa araw ng kanyang kasal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ni Richie Anne Castillo ang kanyang nakakatunaw ng pusong kwento sa pagkakaroon ng ama na may down syndrome.

Nalaman ng KAMI na bukod sa pagiging PWD, nagkaroon din ng pneumonia at diabetes ang "Daddy Richard" ni Richie Anne.

Gayunpaman, ramdam daw niya ang "extraordinary love" nito sa kanya at sa mga taong nasa paligid ng kanyang ama.

Aminado si Richie na hindi rin naging madali para sa kanya ang unawain kung bakit madalas siyang naloloko lalo na noong bata pa siya dahil lamang sa "special" daw ang kanyang ama.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ngunit dahil sa kondisyon ng mahal niyang ama, ito ang naging daan upang maisipan niyang maging doktor.

Plano rin niyang magtayo ng paaralan sa mga may katulad na kondisyon ng kanyang Daddy Richard.

Masasabi niyang matatag ang kanyang ama dahil sa dami ng mga pinagdaraanan nito dala ng kanyang kalagayan, nalalampasan pa rin niya ito ng buong tapang.

Katunayan, nito lamang Hunyo 1 ay nagdiwang ng 51st birthday si Richard at halos di makapaniwala ang kanyang mga doktor na sa kabila ng kanyang mga karamdaman ay nakatagal ito sa kanyang edad.

Dahil dito, nangangarap si Richie Anne na sana'y maihatid pa siya ng kanyang ama sa altar sa araw ng kanyang kasal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng kanyang nakaka-inspire na kwento na binahagi niya sa CNN Philippines.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel