Ilang Pinay celebs, binahagi ang ebidensya na sila ay mga "certified daddy's girl"

Ilang Pinay celebs, binahagi ang ebidensya na sila ay mga "certified daddy's girl"

- Viral ang mga larawan ng ilang Female celebrities na nagbahagi ng mga larawan nila kasama ang kanilang ama

- Natuwa ang mga netizens dahil mga larawan ito ng hinahangaan nilang artista noong sila ay bata pa

- Ito raw ang mga ebidensya na "certified daddy's girl" sila mula noon hanggang ngayon

- Agaw pansin din ang ilang celebrities na ito na malaki ang pagkakahawig sa kani-kanilang mga ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinagiliwan online ang mga throwback pictures ng ilang female celebrities na bumati sa kanilang mga ama ngayong Father's Day.

Natuwa ang mga netizens dahil pawang mga bata pa sa larawan ang mga iniidolo nilang artista na nagpapakita ng ebidensya na sila'y mga "certified daddy's girl."

Kapansin-pansin din kasi ang mga pagkakahawig ng Pinay celebs na ito sa kanilang ama dahilan kumbakit malapit din sila sa mga ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa kanila.

1. Solenn Heussaff

"Happy fathers day to my papa! Thank you for all the sacrifices and hard work to give us the best life we could ask for. We are all little adventurers because of your novel worthy life. Keep telling your story and smile more! Je t'aime papa!" ang mensahe niya sa amang si Louis Paul na isang French.

2. Iza Calzado

Cute na cute naman si Iza Calzado sa kanilang twinning photo ng amang si Lito Calzado na dating choreographer/TV director noong nabubuhay pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

3. Alex Gonzaga

Kitang-kita naman na mula pagkabata ay malapit na si Alex sa amang si Carlito “Bonoy” Gonzaga. Sa kabila ng kakulitan ng TV host/ actress, isang nakakatunaw ng pusong mensahe ang pinadala niya sa kanyang ama.

4. Marian Rivera

Naaliw ang mga fans ni Marian sa binahagi niyang larawan nila ng ama na si Francisco Javier Alfonso. May kuha raw kasi ito na hawig nina Zia at Ziggy.

Kitang-kita sa mga larawan ang closeness ni Marian sa ama mula pagkabata.

Happy Father's Day sa lahat ng magigiting na haligi ng tahanan na walang sawang sumusuporta sa kani-kanilang mga pamilya. Mabuhay kayo!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel