47 na medical frontliners sa Bulacan, nagpositibo sa COVID-19

47 na medical frontliners sa Bulacan, nagpositibo sa COVID-19

- 47 na mga medical frontliners na nakatira sa Bulacan ang nagpositibo sa COVID-19

- Sila ay pawang mga naka-assign sa iba't ibang ospital sa probinsya habang ang ilan ay sa Metro Manila

- Binubuo ang 47 na ito ng mga doktor, nurses, barangay health workers at radiology technicians

- Ang ilan ay pawang naka-destino rin sa Bataan na mga residente ng Bulacan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umabot sa 47 ang kabuuang bilang ng mga medical frontliners sa Bulacan na kumpirmadong tinamaan ng COVID-19.

Nalaman ng KAMI na sila ay mula sa iba't ibang ospital at health centers ng probinsya habang ang ilan naman ay nagtatrabaho sa mga pagamutan sa Maynila at Bataan.

Kinumpirma ito ni Dr. Jocelyn Gomez, head ng Bulacan public health office kung saan binubuo raw ito ng walong doktor, 29 na registered nurses, 10 barangay health workers at radiology technicians.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Base sa ulat ng Inquirer, 18 sa mga ito ay nakadestino sa mga ospital sa Bulacan habang ang 29 naman ay nagtatrabaho sa mga ospital sa Metro Manila at sa Bataan.

19 sa kanila ang patuloy pa ring mino-monitor sa ospital at sa ilang quarantine facility at ang lima sa kanila ay naka-home quarantine lamang.

23 na ang naka-recover sa mga ito kaya positibo silang gagaling na ring ang iba pang mga medical workers na dinapuan ng virus, dahil buwis-buhay silang nag-aasikaso sa mga pasyenteng may COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong araw, Hunyo 21 umabot na sa 30,052 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa bansa base sa huling datos na inilabas ng Department of Health.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel