Batang nagtitinda ng kabute sa gilid ng kalsada para makatulong sa magulang, hinangaan

Batang nagtitinda ng kabute sa gilid ng kalsada para makatulong sa magulang, hinangaan

- Viral ang larawan ng isang batang lalaking matiyagang naglalako ng kabute sa gilid ng kalsada

- Sa ilalim ng mainit na sikat ng araw, may munting silong lamang ang batang naglalako ng kabute sa gilid ng highway sa Benguet

- Nais daw nitong makatulong sa kanyang mga magulang kaya naman matiyaga siyang nag-aabang ng mga maaring bumili ng kanyang paninda

- Hinangaan ng netizens ang batang ito at hangad nila na matulungan din ang pamilya nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang larawan ng batang lalaki na matiyagang nagbibilad sa initan, makabenta laman ng paninda niyang mga kabute.

Nalaman ng KAMI na kuha ito sa gilid ng kahabaan ng Sitio Camisong, Loacan, Itogon, Benguet.

Kahit nakaupo sa kanyang munting silong, maririnig pa rin daw itong sumisigaw ng "bo-o, Bo-o" o na ang ibig sanihin ay kabute.

Matiyaga siyang nag-aabang ng mga bumibiyahe na bibili ng kanyang paninda.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon sa TheLOStories, nakilala ang bata na si Jessie na ginagawa ang paglalako upang makatulong daw sa kanyang pamilya.

Di alintana sa kanya ang init at alikabok sa gilid ng kalsada dahil ang nasa isip nito ay ang kumita upang madagdagan ang panggastos ng kanilang mag-anak.

Dahil dito, hinangaan siya ng maraming netizens sa pagiging madiskarte lalo na sa panahong dumaranas tayo ng pandemya.

Hangad din ng mga netizens na maabutan ng tulong ang pamilya ni Jessie sa paraang kaya nila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Dapat yan na ang ituro sa mga bata ngaun, kung paano dumiskarte ng ikabubuhay"
"God bless you! sana malapit para bibili ako at matulungan pa kita"
"Saludo ako sa bata na ganyan sana lahat ng mga bata ganyan na masisipag God bless you Jessie."
"Paano kaya kami makaktulong? ito kasi yung masarap tulungan, yung alam mong nagsusumikap. Nararapat na sila ay mabiyayaan"
"Please, sa lahat ng makakadaan kay Jessie, bilhin niyo na po paninda niya kahit di niyo kailangan"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel