Liham ng apo para sa lolo na preso, nagpaluha sa netizens ngayong Father's Day
- Umantig sa puso ng netizens ang liham ng isang apo para sa lolo niya na nasa kulungan
- Gustuhin man daw ng bata na dalawin ang mahal na lolo hindi naman siya maaring makapunta roon dahil pinagbabawalan pa ring lumabas ang mga menor-de-edad
- Ipinagmamalaki ng bata na siya na minsan ang nagluluto ng pagkaing pinadadala sa kanyang lolo
- Pinalakas pa ng apo ang loob ng lolo at sinabing lagi lamang silang nakasuporta bagaman at sila ay magkalayo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nagpaluha sa mga netizens ang nakakaantig ng pusong liham ng apo sa kanyang lolo na nasa piitan.
Nalaman ng KAMI na nakakulong ang lolo sa Buhangin Police Station na siyang nagbahagi ng larawan ng liham.
Gustong-gusto na raw dumalaw ng bata sa kanyang lolo ngunit dahil sa mga patakaran ng community quarantine sa bansa bilang pag-iingat sa COVID-19, hindi pa rin ito mapahintulutang puntahan ang pinakamamahal na lolo.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ipinagmalaki rin ng apo na minsan, siya na ang nagluluto ng pagkaing dadalhin sa lolo. Siya rin ang nagbabalot nito upang maipadama na malayo man, pinagmamalasakitan pa rin niya ang lolo.
Nabanggit din ng apo na miss na niya ang lolo at pinalakas pa niya ang loob nito sa pagsasabing "Nandito lang kami para sumuporta sayo. Lolo mahal kita."
Maging ang mga netizens na nakabasa at nakaunawa ng sulat ay aminadong naging emosyonal sa mensahe ng apo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"A simple message of hope" could bring a lot of happiness, praying for your lolo"
"Nakakiyak naman ito, kahit pa nasa kulungan ang lolo mo, malamang mahal na mahal ka rin noon"
"Ipagdasal mo na makalabas na rin ang lolo mo sa kulungan para makasama mo na siya tuwing Father's day"
"Sana sa susunod na Father's Day kasama mo na ang lolo mo"
"Nakakaiyak naman ito, praying for your lolo sana makasama mo na siya"
"Matanda na siguro lolo mo, sana makalabas na siya roon para makapag-bonding na kayo"
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh