Father's Day greeting ni Mayor Vico Sotto para kay Vic, kinagiliwan ng CLOY fans

Father's Day greeting ni Mayor Vico Sotto para kay Vic, kinagiliwan ng CLOY fans

- Mabilis na nag-viral ang pagbati ni Mayor Vico Sotto para sa amang si Vic Sotto ngayong Father's Day

- Pumatok ito lalo na sa mga fans ng "Crash Landing on You" dahil ginamit ni Mayor Vico ang larawan ni "Captain Ri" sa palabas at pinalitan ito ng mukha ng kanyang ama

- Natuwa ang gma netizens sa malaking pagkakahawig ni Vic sa "CLOY" actor na nagpakilig sa maraming Pinoy

- Ang "Crash landing OnYou" ay isang sikat ng Koreanovela na pinalabas sa Netflix na sinubaybayan ng maraming Pilipino

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinagiliwan online ang makulit na Father's Day greeting ni Mayor Vico Sotto para sa amang si Vic Sotto.

Nalaman ng KAMI na ang larawan pala ni Vic na siyang ginamit ni Mayor Vico sa pagbati ay orihinal na larawan ni "Captain Ri" sa sikat na Koreanovela na "Crash landing On You" (CLOY) na mapapanood sa Netflix.

Kamakailan kasi ay may ilang Pinoy fans na na-edit ang larawan ng aktor na si Hyun Bin o mas kilala bilang si "Captain Ri" sa CLOY ng mukha ni Vic Sotto na pumatok naman sa netizens.

At dahil napapanahon, ito ang ginamit ni Mayor Vico sa pagbati niya sa kanyang ama.

"Happy Father's Day, Captain Vic!" ang caption ng kanyang Facebook post.

Sa loob lamang ng halos dalawang oras mula nang ito ay mai-post, umabot na agad sa 57,000 ang positibong reaksyon nito.

Ang makukulit na netizens, nakibati na rin sa sikat na aktor at Eat Bulaga host at karamihan sa kanila ay tinawag pa itong "father-in-law."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga kanilang mga komento:

"Happy Father's Day tatay Vic Sotto. And Happy Father's Day din Love Vico Sotto, soon to be tatay ng mga kids namen"
"Happy Father's Day! my Papa in law"
"Daddy Vic thank you for bringing Vico in our lives!! Happy Father's Day!!"
"Happy father's day, daddy. Vico and I loves you so much. Thank you for bringing Vico into this world. I am blessed!"
"Happy fathers day father in-law, I thank u and Ms. Connie Reyes for making mayor vico exist. Love lots future fam hihihi"
"Happy fathers day dad in law este bossing Vic, God bless"

Si Mayor Vico Sotto ay anak nina Vic Sotto at ng aktres na si Coney Reyes na minsan na ring naging TV host ng longest running noontime show sa bansa ang Eat Bulaga.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel