Sharon Cuneta, nakipag-ugnayan na sa DOJ kaugnay sa taong nagbanta sa anak

Sharon Cuneta, nakipag-ugnayan na sa DOJ kaugnay sa taong nagbanta sa anak

- nihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang tungkol sa pakipag-ugnayan ng aktres na si Sharon CUneta sa kanilang tanggapan

- Ito ay kaugnay sa bantang panggagahasa sa anak nitong si Frankie Pangilinan

- Nais umanong panagutin ng Megastar ang tao sa likod ng kontrobersiyal na banta

- Nauna nang inihayag ni Sharon na nakalap na niya ang pangalan, lokasyon at maging address ng employer ng naturang lalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nakipag-ugnayan na sa kanilang kagawaran ang singer-actres na si Sharon Cuneta kaugnay sa bantang panggagahasa sa anak nitong si Frankie Pangilinan mula sa isang netizen.

Inihayag umano ni Mega ang kanyang pagnanais na maghahain ito ng kasong kriminal laban sa lalaki.

Ani Guevarra dapat ay i-establish muna ang identity at kinaroronnan ng taong nasa likod ng post.

Nauna nang nabanggit ni Cuneta ang tungkol sa pagkakatunton niya sa kinaroroonan ng nasabing netizen at nakipag-ugnayan na umano sila sa employer nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Should Ms. Cuneta proceed to file a criminal complaint with the DOJ, we shall verify the respondent's identity and address for the purpose of giving him notice," ani Guevarra.

Matatandaang nag-ugat ang kontrobersiya matapos magsalita ni Frankie tungkol sa victim blaming at kaso ng panggagahasa sa bansa. Sinagot ito ni Ben Tulfo at iba pang mga netizen na hindi sumasang-ayon sa opinyon ng 19-anyos na anak ng Megastar at ni Senator Francis Pangilinan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Sharon Cuneta ay kilala din sa bansag na Megastar. Nakilala siya dahil sa husay sa niya pagkanta at pag-arte. Ilan sa mga pinasikat niyang awitin ay Mr. DJ, "Naaalala Ka", "I-Swing Mo Ako", "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko" at "High School Life."

POPULAR: Read more about Sharon Cuneta here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel