Guro, umakyat pa ng bundok para mai-enrol ang mga estudyanteng walang internet

Guro, umakyat pa ng bundok para mai-enrol ang mga estudyanteng walang internet

- Hinangaan ang isang guro sa Ilocos Sur dahil matiyaga itong umaakyat ng bundok makasagap lang ng maayos na internet connection

- Lahat kasi ng ginagawang paghahanda ng Department of Education para sa pasukan ay online na

- Kaya naman kinakailangang may maayos na internet ang mga guro lalo na at ang seminars nila ay online na rin

- Dala ng pagmamalasakit niya sa kanyang mga estudyante, siya na rin mismo ang nag-eenrol sa mga ito online sa pag-akyat niya ng bundok para sa signal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang matinding sakripisyo na ginagawa ng guro na si Efren Cabotage ng Narvacan National Central High School sa Ilocos Sur para lamang mai-enrol ang mga estudyante niyang walang internet.

Nalaman ng KAMI na umaakyat pa ng bundok ang Math teacher na ito para lamang makasagap ng internet connection.

Mahalaga kasing maka-konekta siya online lalo na at ang mga preparasyon at paghahanda ng Department of Education sa darating na pasukan sa Agosto 24 ay online na halos lahat.

Maging ang enrollment ay online na rin na nagsimula noong Hunyo 1.

Bagaman at sinimulan na ang mano-manong enrollment kung saan kukuha ng form ang magulang na walang internet at ihuhulog ito sa drop box ng paaralan, guro pa rin daw ang naatasan na mag-enroll nito online.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kaya naman walang makapipigil kay Teacher Efren para umakyat ng bundok para lamang mai-enroll ang kanyang mga estudyanteng walang internet connection.

Bukod pa rito, ang mga seminars ng gurong tulad niya ay nagaganap din online kaya naman kasabay ng pag-eenroll niya sa kanyang mga mag-aaral, dumadalo na rin siya ng tinatawag nilang mga "webinars."

Masasabing ito na nga ang "new normal" na ipinatutupad ng Kagawaran ng Edukasyon kung saan ang mga guro ang mga frontliners sa pagpapatuloy ng edukasyon ng mga bata sa kabila ng pandemya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang larawan ni Teacher Efren na binahagi din ng ABS-CBN News:

Hindi nalalayo ang ginawa na ito ni Teacher Efren sa ginawa ng mga gurong nagtayo pa ng tent sa may highway upang makasagap lamang ng maayos na internet connection.

Sa naunang ulat ng KAMI, aakalaing picnic ang ipinunta ng mga guro sa gilid nga lang ng kalsada ngunit ang pakay talaga nito ay ang maayos na signal para makadalo sila ng webinar.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel