Sharon Cuneta, hindi tinantanan ang netizen na nagbanta sa anak na si Frankie

Sharon Cuneta, hindi tinantanan ang netizen na nagbanta sa anak na si Frankie

- Hindi tinantanan ni Sharon Cuneta ang isang netizen na nagbanta sa anak niyang si Frankie Pangilinan

- Ito ay kaugnay sa naging pahayag ni Frankie hinggil sa kontrobersiyal na "victim blaming"

- Hindi pinagkaila ni Sharon na gagamitin niya ang kanyang koneksiyon upang mapanagot ang lalaki

- Ayon sa pa Megastar, nakikipag-ugnayan na siya sa employer ng nasabing netizen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nakapagpigil si Sharon Cuneta na supalpalin ang isang netizen na nagbanta sa anak niyang si Frankie Pangilinan. Matatandaang naging usap-usapan sa social media ang naging pahayag ni Frankie kasunod ng kontrobersiyal na post ng isang police station sa Quezon Province.

Kinondena ni Frankie ang paalala sa mga babae na huwag magsuot ng maiksi. Katwiran ni Frankie, hindi dapat tinuturuan ang babae kung ano ang dapat suotin kundi turuan ang tao na huwag manggahasa.

Umani ito ng reaksiyon. Kabilang na si Ben Tulfo sa umalma sa naging pahayag ni Frankie. Hindi naman tumiklop ang anak ng Megastar at patuloy na inilabas ang kanyang saloobin hinggil sa isyu.

Isang netizen na nagkomento laban kay Frankie ang umaani ngayon ng pambabatikos. Ito ay matapos niyang magbantang hahanapin niya si Frankie at gagahasain.

Sunod-sunod ang naging banat ni Sharon sa kanyang social media accounts laban sa nasabing netizen na kasalukuyan umanong nasa London.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Sharon Cuneta ay kilala din sa bansag na Megastar. Nakilala siya dahil sa husay sa niya pagkanta at pag-arte. Ilan sa mga pinasikat niyang awitin ay Mr. DJ, "Naaalala Ka", "I-Swing Mo Ako", "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko" at "High School Life."

POPULAR: Read more about Sharon Cuneta here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel