COVID survivor, binahagi ang hirap na mawalan ng ama dahil sa virus na nagpahirap din sa kanya

COVID survivor, binahagi ang hirap na mawalan ng ama dahil sa virus na nagpahirap din sa kanya

- Ikinuwento ng isang COVID-19 survivor ang napakahirap na karanasan kung saan pareho sila ng kanyang ama na tinamaan ng virus

- Ang masakit pa rito, pumanaw ang kanyang ama sa araw kung kailan niyang napaglabanan na niya ang virus

- Masakit ang mga nangyari lalo na at lahat ito'y mabilis na naganap at lahat nang ito ay nasaksihan niya bilang siya ang nag-alaga sa kanyang ama

- Ngunit para na rin sa ikapapanatag ng loob ng kanyang mga magulang sa kabilang buhay, patuloy silang lalaban at tutuparin nila ang mga pangarap ng mga ito para sa kanilang magkakapatid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buong tapang na ibinahagi ng COVID-19 survivor na si Bianca Lei Dela Rosa ang matinding pagsubok na sinuong nila ngayong taon dala ng COVID-19.

Nalaman ng KAMI na isang pulis sa Camp Crame ang ama ni Bianca na isa sa mga unang nagkaroon ng COVID-19 sa bansa noong Marso 20.

Pneumonia ang unang lumabas sa findings ng doktor sa ama ni Bianca na si Roel Dela Rosa.

Dahil dito, tinuring na agad siyang PUI dahil na rin sa iba pang sintomas na nakita sa kanya.

Habang nasa ospital, nagkaroon pa si Bianca ng pagkakataong maalagaan ang ama.

Doon niya nakita ang hirap kung paano labanan ng kanyang tatay ang sakit na kalaunan ay nakumpirma nilang COVID-19 na pala.

Di nagtagal, lumabas na rin ang sintomas ng virus kay Bianca. Nagnegatibo pa siya noon sa virus ngunit kalauanan ay naging PUI na rin siya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Masaya sana niya itong ibabalita sa kanyang ama na noon pala ay nag-aagaw buhay na.

"Excited po akong ibalita kay Papa na wala akong sakit. Parang gusto ko pang ipagyabang na malakas ako. Pero pagdating ko sa room niya, nagse-seizure na po siya. He was fighting for his life na... Nagpe-fail na ‘yung machine. Nagpe-fail na ‘yung machine sa pag-pump sa kanya. Siguro po ‘yun na yung time na kinukuha na rin siya ni Mama," emosyonal na ikinuwento ni Bianca.

Mas mahirap ang naging kalagayan ni Bianca dahil habang nagluluksa siya sa pagkamatay ng kanyang ama, napag-alaman niyang nagpositibo na rin siya sa COVID-19 noong Abril 5.

Siya ang patient number 9 ng Binangonan, Rizal.

'Di ko po alam kung paano or kung saan ko ba kailangan magpagaling? Kung sa sakit ba na COVID-19 o sa sakit po noong pagkawala ni Papa," kwento ni Bianca.

Bata pa lamang si Bianca nang pumanaw ang ina sa lung cancer at unica hija pa siya kaya naman masasabi niyang "Papa's girl" talaga siya.

Dahil dito, hindi maiiwasang labis siyang magdamdam sa nangyari sa ama na mag-isa silang itinaguyod mula pa noong 2004.

Ngayong ulila na sa mga magulang, ipagpapatuloy pa rin nilang magkakapatid ang mga pangarap ng kanilang Mama at Papa para sa kanila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng kwento ni Bianca mula sa programang Survivors:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel