Reported cases ng COVID-19, umabot sa halos 1,000 sa loob lang ng isang araw

Reported cases ng COVID-19, umabot sa halos 1,000 sa loob lang ng isang araw

- Halos 1,000 ang nadagdag sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 ngayong araw, Hunyo 20

- Sa nilabas na datos ng DOH, 578 ang mga naitalang fresh cases habang 365 naman ang mga late reported cases

- Kapansin-pansin ding umabot 600 na lang at papalo na sa 30,000 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa

- 272 ang nai-ulat na naka-recover ngayong araw habang 20 naman ang mga pumanaw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-pansin ang hindi mapigilang pagtaas ng bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Base sa huling datos na inilabas ng Department of Health, may 943 na reported cases ang naitala ngayong araw, Hunyo 20.

Ito ay mula sa 578 na mga fresh cases at 365 na late cases. Mula sa bilang na ito, kapansin-pansin na mas mataas ang mga naitatalang kaso mula sa Region 7 kumpara sa dating laging nangunguna sa dami ng may COVID-19 na NCR.

Makikita ring 600 na lamang at aabot na sa 30,000 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Samantala, 272 ang naiulat na nakarecover ngayong araw habang 20 naman ang namatay.

Base sa live updates ng worldometers, ika-38 na ang Pilipinas sa pinakamaraming mamamayan na nagkaroon ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinakamarami pa rin ang naitala ng Estados Unidos na mahigit dalawang milyon ang naitalang kaso ng COVID-19 habang ang China kung saan pinaniniwalaang nagmula ang virus ay ika-21 na.

May kabuuang bilang na 8,789,556 ang mga nagkaroon ng coronavirus disease 2019 sa buong mundo, 4,649,314 ang naka-recover.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel