Isang food delivery rider, nanlumo sa ginawa ng isang customer sa kanya

Isang food delivery rider, nanlumo sa ginawa ng isang customer sa kanya

- Isang food delivery rider na naman ang nag-viral sa social media matapos mabiktima umano ng isang customer

- Pinakansela ng isang customer ang order niya na nagkakahalaga ng P800 dahil natagalan umano ito sa pagdeliver ng rider

- Nakiusap ang rider na tanggapin na lang ng customer ang pagkain pero tumanggi ito at itinapon pa sa rider ang pagkain

- Umani ng pambabatikos mula sa mga netizens ang ginawa ng nasabing customer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umani ng samu't-saring reaksiyon mula sa mga netizens ang post sa Facebook tungkol sa karanasan ng isang food delivery rider.

Ayon sa post na ibinahagi ng Pilipinas Trending Viral Facebook page, pinakansela ng isang customer ang kanyang order na pagkain na umabot sa P800 dahil natagalan umano siya sa pagdeliver ng kanyang order.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil sa panghihinayang sa inabono niyang pera, nagmakaawa umano at nakiusap ang rider pero hindi pa rin tinanggap ng customer at itinapon pa ito umano sa driver.

Grabe! kawawa naman si kuyang Food Panda Delivery rider, may umorder daw po sa kanya na worth 800 pesos na Chowking food tapos pagdating ni kuya sa location kinancel lang ng costumer dahil natagalan daw sa pagdeliver hindi na tinanggap, nagmakaawa si kuyang delivery rider dahil sayang daw yung perang pinang abono nya pero ayaw talaga tanggapin ng costumer kaya itinapon na lang kay kuyang rider yung pagkain, nag tyaga si kuyang rider sa pila, inabonohan, nakipagsapalaran sa kalsada at sa virus tapos ganito lang sasapitin ni kuya hindi man lang naawa sa tao pati pagkain inaksaya lang.. Mary Paras daw yung name ng nag order at nagtapon sa pagkain.. paki Share na lang po para mapanagot sa batas ang gumagawa nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Umani ng pambabatikos ang ginawang ito ng customer:

Grabe tlga mga tao ngayon my virus nanga tayong kinakaharap ganyan pa gagawi nyo sa katulad nyo na tao din na nangangailangan .
Dapat dyan turuan ng leksyon.hindi nila nauunawaan ang sitwasyon ni kuya.Bukod sa pagod at hirap nya hinaharap din ni kuya ung banta ng virus. Para lang kumita nakikipagsapalaran c kuya taz ganyan gagawin nyo

Ang mga food delivery riders ang kadalasang naging biktima ng ganitong gawain ng ilang mga customer. Sa naunang ulat ng KAMI, naglabas ng saloobin ang ilang riders na nabiktima ng fake booking.

POPULAR: Read more about Filipino viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel