Jeep delivery driver na nag-viral sa social media, inulan ng tulong

Jeep delivery driver na nag-viral sa social media, inulan ng tulong

- Umani ng papuri ang isang jeep delivery driver matapos mag-viral ang kanyang mga litrato

- Isang customer ang nagbahagi ng mga litrato ng niya sa social media at marami ang naantig sa kanyang kwento

- Matapos ang mahabang panahon na hindi makapagbiyahe, nabigyan siya ng trabaho bilang delivery driver gamit ang kanyang jeep

- Bumuhos naman ang tulong mula sa mg netizens para sa driver na kinilalang si Mang Lauro

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang natuwa para sa dating jeepney driver na si Mang Lauro dahil nabigyan siya ng pagkakataon na muling makapaghanap-buhay kahit hindi pa pinapayagang pumasada ang mga jeepney.

Naging delivery driver siya para sa isang delivery service provider. Isa naman sa naging customer niya ang nagbahagi ng mga litrato ni Mang Lauro na nakangiti kahit pa naligaw umano ito.

Ayon sa Facebook user na si Chammy Pasumbal Jalique, tinawagan pa siya ni Mang Lauro upang kumpirmahin ang kanyang order.

Ibinahagi din ni Jalique ang mga detalye ng driver para sa mga nais magpaabot ng tulong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakakatuwa nung tinawagan nya ako para iconfirm ung order ko. Sabi nya, "Good afternoon po Ma'am ako po ang inyong Laladriver!"

Kitang kita sa kanyang mga ngiti ang tuwa na makabyahe ulit sa pamamagitan ng pagdedeliver. Kahit nagkandaligaw-ligaw sya dahil hindi pa raw sya sanay sa pag gamit ng WAZE ay masaya nyang inihatid ang order ko ♥️ Mabuhay ka!

Matapos mga-viral ang post na ito, umapaw ang tulong para kay Mang Lauro.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng mga netizens:

Thank you, Lalamove, for giving our drivers a chance to earn again. This is a huge help for them! ♥️ At sa inyong mga madidiskarteng hari ng kalsada: Salute sa inyong lahat, Sirs! Stay safe po!
That's smile is so priceless. Namiss ko tatay ko.
Saludo ako dyan sa presidente nmin...sobrang bait nya talaga...Si pres lauro po ay presidente nmin sa ACCI JODAI... Kasama po kami sa mga jeepney driver na nawalan ng hanap buhay dahil sa COVID 19,kaya nag lala jeep po kami...hindi po sya pabaya sa kanyang mga miyembro..Mabuhay ka Pres..Happy Father's Day

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matatandaang nagpatupad ng enhanced community quarantine para sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Layon ng quarantine na maiwasang patuloy na magkahawa-hawa ang coronavirus sa mas marami pang tao.

Dahil dito, marami ang nawalan ng hanapbuhay kagaya na lamang ng mga jeepney drivers.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel