Newlyweds, nag-donate ng PPE at grocery items sa ospital pagkatapos agad ng kasalan

Newlyweds, nag-donate ng PPE at grocery items sa ospital pagkatapos agad ng kasalan

- Hinangaan ang bagong kasal na sina Wilbert at Harlene Silverio na mas piniling tumulong sa mga medical frontliners kaysa magkaroon ng wedding reception

- Naudlot ang kanila sanang pag-iisang dibdib noong Abril, at ngayon tinuloy na nila ito, mas naging makabuluhan ito dahil nakatulong sila sa panahon ng pandemya

- Bukod sa mga PPE na kailangang kailangan ng mga frontliners, binigyan din nila ang mga ito ng mga grocery items

- Ito rin daw ang kanilang pasasalamat dahil sa kabila ng krisis ng COVID-19, nabigyan sila ng pagkakataong maikasal at nasa maayos din silang kalusugan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Imbis na magkaroon pa ng wedding reception ang bagong kasal na sina Wilbert at Harlene Silverio, mas pinili nilang tumulong sa kapwa ngayong panahon ng pandemya.

Nalaman ng KAMI na nitong Abril pa sana ang sila naikasal ngunit dala ng banta ng COVID-19, hindi ito natuloy.

Ngayon namang pinahihintulutan na ang pag-iisang dibdib na may mga ilang restikrsyon at patakarang dapat sundin, pinag-isipan nilang mabuti kung paano ito isasagawa.

"I have to make a bold decision to push through 'yung wedding. Ako na lang din pala 'yung iniintay niya na mag-decide," kwento ni Wilbert.

Suot ang kanilang pangkasal, diretso ang newlyweds sa ospital kung saan mamamahagi sila ng mga personal protective equipment (PPE) sa mga medical frontliners.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Imbis na magkaroon at gastusan ang wedding reception, mas pinili nilang magbigay donasyon lalo na at nangangailangan talaga ng mga frontliners ng PPE.

Bukod dito, namahagi rin sila ng mga grocery packs at sila mismo ang naghatid at nag-abot sa mga frontliners.

Ito raw ang kanilang paraan ng pasasalamat sa Panginoon na sila ay naikasal pa rin ngayong taon at nasa maayos na kalusugan.

"Sa kabila ng lahat na may pinagdadanan tayo, may pandemic po tayo, ma-push po 'yung holy sacrament po ng kasal, ma-honor namin si God sa kasal namin," pahayag ni Harlene.

Payo ng dalawa sa mga couples na sinusubok ng pandemya lalo na ang may mga plano nang magpakasal: "Just keep the faith po kay God kasi siya po 'yung may kontrol ng lahat."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng kanilang kwento mula sa 24 oras:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel