Customer, binahagi kung gaano kasaya ang Lalajeep driver sa pagbabalik trabaho

Customer, binahagi kung gaano kasaya ang Lalajeep driver sa pagbabalik trabaho

- Viral ang post ng isa sa naging customer ng Lalajeep driver na may edad

- Bakas daw kasi ang saya sa driver na makabalik ito sa trabaho matapos ang tatlong buwan na tigil pasada dala ng community quarantine

- Bumungad daw ang ngiti ng driver na maayos ding nagampanan ang trabaho kahit bago pa lamang siya rito

- Humanga rin ang customer sa kasipagan ng driver na sa kabila ng edad nito ay matiyaga pa ring naghahanapbuhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi sa isang Facebook page ang karanasan ng bagong Lalajeep driver na masayang nakabalik muli sa pagtatrabaho.

Nalaman ng KAMI na isa ang driver na ito sa libo-libong nawalan ng trabaho sa loob ng tatlong buwan dahil sa tigil pasada kaugnay sa pag-iingat sa COVID-19.

Dahil dito, walang kita ang mga tsuper lalo na at makailang beses na na-extend ang mga community quarantine sa iba't ibang lugar.

Ayon sa Facebook page na Urban Essentials Ph, naiiyak sila sa tuwa nang makitang nakabalik na sa trabaho ng jeepney driver na nag-pick-up ng order ng isang customer.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matamis na ngiti raw ni Manong ang bumungad sa kanila at bakas ang saya sa kanyang mukha na sa wakas ay muli siyang naghahanapbuhay.

Ang nakamamangha pa raw dito, sa kabila ng edad ni "Manong" ay maayos naman niyang nagagawa ang trabaho kahit bago pa lamang siya rito.

Sa tuwa ng customer, binigyan pa umano nila ang driver ng vitamins upang lumakas pa ang resistensya nito lalo na't hindi pa rin naman nawawala ang COVID-19.

Pinasalamatan din ng customer ang Lalamove PH dahil sa pagbibigay ng oportunidad sa mga tulad ni Manong na ilang buwang walang naipakain ng maayos sa kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng post:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel