Mga paaralan sa Beijing, muling isinara dahil sa biglang pagtaas ng bagong kaso ng COVID-19

Mga paaralan sa Beijing, muling isinara dahil sa biglang pagtaas ng bagong kaso ng COVID-19

- Muli na namang isinara ang mga paaralan sa Beijing dahil sa biglang paglobo ng bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa lugar

- Tinatayang nasa 106 agad sa isang linggo ang tinamaan ng virus sa capital ng China na ikinabahala ng kanilang pamahalaan

- Online classes muli ang mga nasa primary at secondary schools para na rin sa kaligtasan ng kanilang mag-aaral

- Agad ding nai-lockdown ang 11 na lugar sa Beijing na may pinakamaraming naitalang bagong kaso ng virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling isinara ang mga paaralan sa Beijing matapos na magtala muli sila ng mga bagong kaso ng COVID-19.

Nalaman ng KAMI na 106 ang inabot na bilang ng mga tinamaan ng virus ngayon lamang linggo na labis na ikinabahala ng kanilang lokal na pamahalaan.

Bilang aksyon, hindi na muling pinapapasok ang mga mag-aaral sa primary at secondary school gayundin ang mga unibersidad sa lugar bilang para sa kaligtasan ng mga mag-aaral.

Ayon pa sa Daily Mail, online classes na rin ang gagawin ng mga kabataan bilang pag-iingat sa muling pagkalat ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bukod dito, tinatayang nasa 11 na lugar sa Beijing ang kasalukuyan nang naka-lockdown lalo na ang mga lugar na may mataas na bilang ng tinamaan muli ng virus.

Maging ang mga tinatawag na “non-essential” travel papasok at palabas ng Beijing ay muling ipinagbabawal.

Base sa naging panayam ng kanilang spokesman na si Xu Hejian, balik na naman sila sa mga "strict measures" sa lugar upang mapigilan ang lalo pang paglobo ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Kasama na rito ang pagpapatupad ng mga kompanya sa capital ng China na maging work-from-home muli ang kanilang sistema at muling isinara ang ilang establishments doon.

Ayon pa sa The Guardian, pinangangambahan ng China ang maaring pagputok ng second wave ng paglaganap ng bagsik ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel