13-day-old na sanggol, pumanaw dahil sa COVID-19

13-day-old na sanggol, pumanaw dahil sa COVID-19

- Sumakabilang buhay ang isang 13-day-old baby na nagpositibo sa COVID-19

- Isa ang sanggol na ito sa pinakabatang pumanaw dahil sa COVID-19

- Wala umanong ibang iniindang sakit ang sanggol na hindi man lang tumagal ng dalawang linggo

- Sa Pilipinas, umabot ng 661 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 na siyang bumuo sa bilang na 28,459 ngayong araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumanaw ang isang 13-day-old na sanggol sa United Kingdom dahil sa COVID-19.

Nalaman ng KAMI na siya ang pinakabatang COVID-19 patient na pumanaw sa naturang lugar habang ang pinakamatanda naman ay may edad na 96.

Ayon sa ulat ng Inquirer, wala umanong ibang iniindang karamdaman ang sanggol na nagpositibo sa virus.

Kinumpirma ito ng UK National Health Service kahapon, Hunyo 18.

Hindi nalalayo ang sinapit ng sanggol na ito sa pinakabatang COVID-19 survivor ng Pilipinas na si Baby Kobe.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bagaman at nakaligtas si Baby Kobe sa virus, pumanaw din ito dahil naman sa hirap nito sa pagdumi na naging sanhi ng ilang komplikasyon at pagkalason ng kanyang dugo.

Dagdag pa ng Metro, umabot sa 62 ang pumanaw sa iba't ibang UK hospitals kahapon kasama na rito ang 13-day-old na sanggol.

Agad namang naipalam sa kani-kanilang mga pamilya ang sinapit ng mga biktima ng nakamamatay na virus.

Sa Pilipinas, kasalukuyan nang umabot sa 28,459 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

661 ang nadagdag ng confirmed cases ngayon lamang araw, Hunyo 19 base sa datos na nilabas ng Department of Health. Nasa 288 naman ang naitalang naka-recover at sa kasamaang palad, 14 naman ang pumanaw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel