Ombudsman, inakusahang may itinatago ang DOH sa ginagawang imbestigasyon

Ombudsman, inakusahang may itinatago ang DOH sa ginagawang imbestigasyon

- Aminado si Ombudsman Samuel Martires na hindi siya natuwa sa naging aksyon ng gobyerno sa pagsupo ng COVID-19 sa bansa

- Inakusahan din niya ang Department of Health (DOH) na parang may itinatago sa kanilang imbestigasyon

- Gusto umano malaman ng Ombudsman kung nasaan ang pondo para sa COVID-19 at paano nagagastos ito

- Bago pa raw ang lockdown ay nagsagawa na nang patagong imbestigasyon ang Ombudsman sa DOH

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, mukhang may tinatago raw ang Department of Health (DOH) sa kanilang naging reaksyon sa imbestigasyon na isinasagawa dahil sa kanilang pagresponde sa COVID-19.

Nalaman ng KAMI na mag-iisyu rin ng subpoena ang Ombudsman sa Department of Health at Department of Budget and Management para mas maimbestigahan pa ang perang ginagamit para sa pagsupo ng coronavirus sa bansa.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, nais malaman ng Ombudsman kung saan ginagamit ang pondo at kung nasaan ang pera ngayon.

“Gusto naming malaman kung saan ginamit itong pera, gaano katagal nabigyan ng ayuda 'yung mga pamilya ng namatayan na mga frontliners, those who were inflicted by the virus... Nasaan ang pondo, nasaan 'yung pera ngayon?" sabi ni Martires.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Aminado rin si Ombudsman Martires na hindi siya natuwa sa ginagawa ng gobyerno para sugpuin ang pandemya sa bansa.

"I don’t think the medical frontliners are happy with what is happening, that is my assessment… I don’t think that people are also happy with what is happening," giit niya.

Dagdag pa ng Ombudsman, parang may itinatago ang DOH ngayon dahil sa mga nangyayari.

"Sa mga nangyayari, parang may mga itinatago,” aniya.

Sa ulat ng GMA News Online, sinabi ng Ombudsman na mukhang may itinatago ang DOH nang humingi ang mga ito ng dokumento sa kanila. Nagsagawa umano ng patagong imbestigasyon ang Ombudsman sa DOH bago pa ang lockdown.

“It is either they are attending a meeting, o walang gustong sumagot sa aming mga itatanong, hanggang naabutan na kami ng lockdown,” sabi niya.

“We are not demanding much of their time. In fact, these can be done by a clerk, not even a division chief, unless they want to sanitize the documents. May mga itinatago," dagdag niya pa.

Nais umano ng Ombudsman malaman ang dapat managot dito lalo na ngayong patuloy ang pagdami ng kaso sa bansa.

“They can just order their subordinates to provide the documents. Low morale? Are we not suffering low morale too? Are we happy that medical frontliners died? Are we happy with what is happening? Why do they always think of themselves at hindi kabutihan ng bawat isa?” sabi ng Ombudsman.

“We want to know who is responsible for this. Somebody must be held accountable,” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naunang ulat ng KAMI, inanunsyo ng Ombudsman na magsasagawa na sila ng imbestigasyon kay Health Secretary Francisco Duque at iba pang opisyales ng DOH.

Sa ngayon, may 27,799 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Ang 7,090 sa mga ito ay gumaling na.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel