3 Pinay OFW na may COVID-19, hindi pinagpapahinga ng amo at tuloy sa trabaho

3 Pinay OFW na may COVID-19, hindi pinagpapahinga ng amo at tuloy sa trabaho

- Himihingi na ng saklolo ang tatlong Pinay OFW sa Riyadh na di umano'y positibo sa COVID-19

- Sa kabila ng pagkakaroon ng sintomas ng virus, patuloy pa rin umano silang pinagtatrabaho ng kanilang mga amo

- Ang isa pa umano sa kanila ay nahihirapan nang huminga ngunit hindi pa rin dinadala sa ospital

- Hinala nila na nakuha nila ito sa kanilang mga amo na unang tinamaan ng COVID-19 gayundin ang mga anak nitong kanilang inaalagaan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nananawagan na ang tatlong kababayan nating OFW sa Riyadh, Saudi Arabia na di umano'y tinamaan ng COVID-19 ngunit patuloy pa rin pinagtatrabaho ng kanilang amo.

Nalaman ng KAMI na ipinaalam lamang sa tatlong OFW ng kanilang amo na mayroon silang COVID-19.

Ngunit sa kabila ng kumpirmasyon, hindi sila dinala sa ospital at hindi rin sila pinagpapahinga.

Kwento ng dalawa sa tatlong OFW na ito sa panayam sa kanila ng Unang Hirit, nakararanas sila ng pananakit ng ulo at panghihina ng katawan. Nangangati rin ang kanilang lalamunan at ang isa sa kanila ay hirap na raw huminga.

Paracetamol lamang ang ibinibigay sa kanila at ni hindi man lang daw sila pinatingnan sa ospital upang masuri.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bagaman at nagawa sila ng swab test, hindi umano pinakita sa kanila ang aktwal na resulta at sinabi lamang na may virus na sila.

Una raw na nagkaroon ng COVID-19 ang amo nilang lalaki na sinundan naman ng asawa nito.

Ngunit hinala nila na ang mga anak nito na kanilang inaalagaan ang nakahawa sa kanila.

Imbis na sila ay papagpahingahin, patuloy pa rin daw silang pinakikilos at pinagtatrabaho.

Kinuha naman na ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac ang contact number ng mga Pinay upang magawan ng aksyon ang ginagawa sa kanila ng kanilang amo.

Ayon sa ulat ng Rappler, tinatayang mahigit 6,000 na ang mga OFW na nagpositibo sa COVID-19 sa iba't ibang bahagi ng mundo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

3 Pinay OFW na may COVID-19, hindi pinagpapahinga ng amo at tuloy sa trabaho

source: GMA News/ Unang Hirit
Source: Facebook

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel