4 na buwang buntis, isa sa mga stranded na pasahero na nasa labas lang ng NAIA

4 na buwang buntis, isa sa mga stranded na pasahero na nasa labas lang ng NAIA

- Nasa dalawa hanggang tatlong araw na ang apat na buwang buntis sa mga bangketa malapit sa NAIA

- Isa siya sa mga locally stranded individual na hindi pa makauwi sa kani-kanilang mga probinsya

- Nagbaka-sakali lamang daw ang buntis na ito nang may nakapagsabi sa kanyang nagbibigay umano ng tulong ang gobyerno sa mga OFW na di pa makauwi sa probinsya

- Pinalayas na rin umano siya sa tinutuluyan sa Caloocan kaya wala na rin siyang mauuwian dito sa Maynila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa ang apat na buwang buntis sa mga locally stranded individuals (LSI) na nanatili sa mga bangketang malapit sa Ninoy Aquino International Airport.

Nalaman ng KAMI na pinalayas ang buntis na si Radzma Padua sa tinutuluyan nitong bahay sa Caloocan lalo na at hindi naman siya natuloy makaalis ng bansa bilang OFW.

Ayon sa ulat ni Raffy Tima ng 24 Oras, wala raw tiket si Radzma ngunit nang malaman na nagbibigay tulong ang pamahalaan sa mga LSI, nagtungo itong NAIA upang magbaka-sakali.

Sa kasamaang palad, isa na siya ngayon sa ilang mga kababayan nating hindi pa rin makauwi sa kani-kanilang probinsya sa kabila ng banta ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Mahirap ang kalagayan nila doon lalo na at pawang mga karton lamang ang sapin nila sa mga sidewalk.

Ayon pa sa isa sa mga kasama ni Radzma, tulong-tulong na lamang sila sa pagtulong sa buntis na alam nilang mas hirap ang lagay kumpara sa kanila.

Wala na rin umano kasing perang pambili ng tiket kaya naman umaasa na lang siya sa mayroon magandang loob na makakatulong sa kanilang makauwi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel