Naudlot na kasalan dahil sa banta ng COVID-19, itinuloy sa McDonald's

Naudlot na kasalan dahil sa banta ng COVID-19, itinuloy sa McDonald's

- Mayo 20 sana ang nakatakdang kasalan nina Manuel at Gale sa Roxas City ngunit dahil sa dami ng mga ipinagbabawal dala ng COVID-19, hindi ito natuloy

- Ngunit walang nakapigil sa dalawa nang maisipan nilang ituloy pa rin ang pag-iisang dibdib at hahanap na lamang sila ng ibang lugar na maaring pagdausan nito

- Dahil paborito nilang kainan ang McDonald's, doon nila naisip na gawin ang hindi nila malilimutang seremonya

- Para sa groom, hindi niya raw ikinahihiya na idinaos ang kanilang kasalan sa sikat na fast food chain dahil ang mahalaga, pinag-isang dibdib na sila ng tinuturing niyang "perfect partner"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa social media ang kakaibang kasalan nina Manuel at Gale Luna na ginanap sa isang branch ng McDonald's.

Nalaman ng KAMI na Mayo 20 ang itinakdang petsa ng kanilang pag-iisang dibdib nila sa Roxas City ngunit dala ng mga restriksyon ng pandemya, hindi ito natuloy.

Subalit napagdesisyunan nilang ituloy pa rin ang kasalan at kailangan lamang nilang humanap ng lugar na pagdarausan nito.

Dito nila naisi na gawin ito sa paborito nilang kainan, ang McDonald's.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ito raw kasi ang lagi nilang kinakainan at maituturing nilang "favorite date place."

Hindi naman sila nabigo at nitong Hunyo 16, sa kanilang monthsary, natuloy rin ang kasalan sa McDo.

Para kay Manuel, hindi siya nahihiya na sa McDonald's idinaos ang isa sa pinakamahalagang pangyayari sa kanyang buhay.

Ang mahalaga, pinakasalan na niya ang itinuturing niyang "perfect partner" na si Gale.

Sa kanyang Facebook, proud na binahagi ni Manuel ang ilan sa mga larawan ng masayang araw nilang ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maalalang si Manuel ang lalaking nagpropose sa Dinagyang Festival sa Iloilo ngayong taon sa tulong ni Moira Dela Torre na noo'y nagtatanghal.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel