Guro, 2 oras ang nilalakad para magbahay-bahay nang ma-enroll ang mga bata

Guro, 2 oras ang nilalakad para magbahay-bahay nang ma-enroll ang mga bata

- Isang guro sa Eastern Samar ang nagsasakripisyo para makapag-enroll ang mga estudyante niya

- Halos dalawang oras siyang naglalakad sa mga maputik na daan para magbahay-bahay sa mga estudyante niya

- Aniya, mahina ang signal sa lugar nila kaya imposible ang online enrollment na ipinatupad ng gobyerno

- Panawagan ng guro, ituloy ang face-to-face classes sa lugar nila dahil malayo naman sila sa sentro ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang guro ang nagpamalas ng malasakit para sa mga estudyante niya sa Eastern Samar ngayong may krisis sa bansa.

Nalaman ng KAMI na personal na pumupunta sa bahay ng mga estudyante ang guro para ma-enroll sila.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, halos dalawang oras ang nilalakad ni Teacher Christine Ero para mapuntahan ang mga estudyante niya. Tinatawid niya ang mga maputik at madulas na daan papunta sa mga ito.

Aniya, imposible ang online enrollment sa lugar nila dahil mahina ang signal sa phone at sa Internet. Kaya naman panawagan niya, ituloy na lang ang face-to-face classes sa kanilang lugar dahil malayo rin naman daw ito sa sentro ng pandemya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dagdag pa niya, susunod naman daw sila sa health protocols upang maiwasan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naunang balita ng KAMI, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hahanap siya ng pondo upang makabili ng transistor radios para sa mga lugar na may mahirap na komunikasyon sa mga guro nila.

Sa ngayon, nagsimula na ang online enrollment para sa mga pampublikong paaralan. Nakatakda namang magsimula ang mga klase sa Agosto 24.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel