OFW na nagviral nang manawagan ito ng tulong, pumanaw na rin

OFW na nagviral nang manawagan ito ng tulong, pumanaw na rin

- Pumanaw na rin ang isa pa nating kababayang overseas Filipino worker (OFW) na nakilalang si Gelo Austria Abiad

- Nag-viral si Abiad matapos nitong manawagan sa social media para humingi ng tulong na makauwi na sa bansa

- Umiiyak itong nagmakaawa para makauwi na sa pamilya dahil sa sobrang hirap na dinaranas sa ibang bansa dahil sa sakit

- Sa kasamaang-palad ay hindi na nabigyan pa ng pagkakataon ang ating kababayan na matupad ang kanyang hiling

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa pang kababayan nating overseas Filipino worker (OFW) ang pumanaw na rin sa bansang kanyang pinag-trabahuhan.

Kinilala itong si Gelo Austria Abiad base sa video na ibinahagi ng Facebook page na The Viral King.

Nag-viral si Abiad matapos nitong manawagan sa social media para humingi ng tulong na makauwi na sa bansa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Umiiyak itong nagmakaawa para makauwi na sa pamilya dahil sa sobrang hirap na dinaranas sa ibang bansa dahil sa sakit.

Paralisado na ang kanyang katawan na pilit pa nitong ipinakita sa video. Hindi nga raw nito magawang uminom ng tubig nang walang tulong dahil sa karamdaman.

"Hirap na hirap na po ako." anito sa video. "Tulungan niyo po ako sir Raffy Tulfo. Nagmamakaawa po ako. Gustong-gusto ko na pong makauwi."

Sa video, makikita ang matinding paghihirap na dinanas nito. Malaki na rin ang ibinagsak ng katawan nito base sa mga dating larawan nito.

Ngunit sa kasamaang-palad ay hindi na nabigyan pa ng pagkakataon ang ating kababayan na matupad ang kanyang hiling.

Dumagsa naman ang lungkot at pakikiramay para kay Abiad sa social media matapos maiulat ang nangyari rito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang report ng KAMI, isa namang anak ang nagulat nang madiskubre ang tunay na lagay ng kanyang mga magulang na OFW sa isang social media post.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel