Video ng mga batang natulungan dahil naglalako kahit GCQ, umabot sa 7.7 million views

Video ng mga batang natulungan dahil naglalako kahit GCQ, umabot sa 7.7 million views

- Viral ang video ng dalagitang naglalako ng merienda kasama ang nakababatang kapatid at natulungan ng mga customer na pinakyaw ang kanilang paninda

- Kahit ipinagbabawal pa rin ang paglabas ng mga bata, kinailangang maglako ng dalawang batang ito upang may kitain at may panggastos ang kanilang pamilya

- Bukod sa pamamakyaw ng negosyante ng kanilang mga paninda, hindi na rin nito kinuha ang sukli dahil sobra pa rin ang kanyang ibinayad

- Bakas sa mukha ng dalagita ang sobrang kasiyahan dahil malaking tulong ito sa kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig ang puso sa viral video kung saan nakatanggap ng di inaasahang biyaya ang dalawang batang naglalako ng merienda sa Sariaya, Quezon.

Nalamang ng KAMI na kahit bawal pa ring lumabas ang bata gayung general community quarantine na sa probinsya ng Quezon, nagtinda pa rin ang dalawang batang ito para may panggastos ang kanilang pamilya.

Sa video na binahagi ng Sabrinacio Footwear, makikita kung gaano kasaya ang dalagita nang pakyawin ng uploader ang kanilang paninda.

Hindi lamang ito, sobra-sobra kasi ang halaga na ibinigay ng customer at hindi na nito kinuha pa ang sukli.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Ang liit na halaga lang yon para sa nakakarame pero sa mukha nya parang million ang naibigay naten," ang caption ng video.

Bukod sa pamamakyaw, binayaran pa muli ng mga customer ang nakain nilang merienda upang maitago na lamang ng mga bata ang nauna na nilang naibigay na ₱500.

Marami ang humanga sa ginawang pagtulong na ito ng mga lalaking mula pa raw Pampanga.

Umabot na sa 7.7 million views ang nakaka-good vibes na video na ito.

Inspirasyon ang dulot nito lalo na sa panahon ng krisis kung saan nararapat lamang na mangibabaw sa atin ang pagtutulungan lalo na sa mga taong mas lalong naapektuhan ng dagok ng pandemya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel