Ilang guro, umaakyat sa mataas na lugar para makasagap ng signal at makadalo sa 'Webinar'

Ilang guro, umaakyat sa mataas na lugar para makasagap ng signal at makadalo sa 'Webinar'

- Viral ang larawan ng mga guro na pumupunta pa sa mataas na lugar para magkaroon ng maayos na internet connection

- Makikitang nagset-up pa sila ng tent upang sila ay may masilungan sa kanilang pakikinig sa 'webinar'

- Mahalaga kasing makasali sila sa mga online seminars bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Agosto 24

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang mga larawan at maging ang mga netizens ay nananawagan sa DepEd upang masolusyunan ang ganitong kalagayan ng mga guro

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang larawan ng mga guro na nasa mataas na bahagi ng highway sa Maco, Davao de Oro.

Nalaman ng KAMI na ginagawa nila ito upang makasagap ng mobile data signal para makapag-internet sila gamit ang kanilang mga smartphones.

Ayon pa sa Inquirer, ang mga gurong ito ay dadalo sa 'webinar' kaya naman ganoon na lang ang pagsusumikap nilang makahanap ng maayos na internet connection.

Ang "webinars" ay mga online seminar o trainings na kailangang daluhan ng mga guro partikular na sa mga naglilingkod sa pampublikong paaralan.

Ito ang paraan ng Kagawaran ng Edukasyon upang maihanda ang mga guro sa alternatibong pamamaraan ng edukasyon sa pagbubukas ng klase sa Agosto 24.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kaya naman ang mga guro sa larawan ay nagtayo pa ng tent upang sila ay may masilungan sa ilang oras nilang pakikinig at pakikiisa mapa-meeting man ito o online seminar.

Ang ilan, nagbaon pa ng pagkain dahil pagod at gutom talaga ang aabutin nila sa paglalakad at pag-akyat ng highway.

Dahil dito, maging ang mga netizens ay di maiiwasang mahabag sa kalagayan na ito ng mga guro na nasa mga lugar kung saan wala pang maayos na internet.

Hiling nila na matugunan ito ng Department of Education lalo na at sa mga ginawa ng gurong ito, di matatawaran ang pinakita nilang dedikasyon sa pinili nilang propesyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang makailang beses na binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya pahihintulutan ang face-to-face learning hangga't walang pang natutuklasang lunas para sa COVID-19.

Kaya naman nagsusumikap ang mga guro na ito na makasabay sa bagong paraan ng pagtuturo dahil wala pang mag-aaral ang papasok sa kani-kanilang paaralan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel