Video ng mga huling sandali ng OFW sa Riyadh na pumanaw dahil sa COVID-19, viral

Video ng mga huling sandali ng OFW sa Riyadh na pumanaw dahil sa COVID-19, viral

- Viral ang video ng huling sandali ng OFW sa Riyadh na tinamaan ng COVID-19

- Makikita sa video na may edad na ito inaalalayan na siya ng mga kapwa niya Pinoy doon

- Walang trabaho at walang natatanggap na anumang tulong ang OFW na isa ring COVID-19 patient hanggang siya ay pumanaw

- Nananawagan ang iba pang OFW doon na sila ay matulungan ng ating embahada at ang karamihan sa kanila'y nais na lang na makauwi ng Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw pansin online ang video ng OFW na tinatawag nilang "Manong Fred" na di umano'y tinamaan ng COVID-19 sa Riyadh.

nalaman ng KAMI na ito ay kuha noong mga huling araw ng matanda bago ito tuluyang namaalam sa mundo.

Kapansin-pansin ang kanyang kahinaan dala marahil ng virus na halos hindi na niya maiayos ang kanyang damit.

Mabuti na lamang na may mga kapwa tayo Pilipino roon na nagmamalasakit sa kanya.

Kwento pa ng uploader, nilalagak na lamang ang mga Pinoy na may COVID-19 sa isang gusali.

Ang masaklap, isa-isa nang namamatay ang mga masasama ang tama ng virus dahil wala umanong tumutulong sa kanila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Karamihan din ng mga OFW doon ay pawang mga wala nang trabaho at walang natanggap na tulong sa kompanyang pinaglingkuran doon.

Dahil dito, ninanais nilang makauwi na lang sa Pilipinas upang makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay.

Nananawagan na rin sila sa embahada ng bansa maging sa ating pamahalaan na bigyan na lamang sila ng pagkakataong makabalik sa bansa.

Takot na takot na ang karamihan sa kanila dahil sa oras na magkaroon sila ng virus, wala namang tutulong sa kanila.

Tinatayang nasa 6,000 na ang kabuuang bilang ng mga OFW na kumpirmadong tinamaan ng COVID-19 sa iba't ibang panig ng daigdig ayon sa Rappler.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video na binahagi ng The Viral King:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel