Mag-asawang OFW sa barko, pagtitinda ng itlog ang pinagkakakitaan ngayon

Mag-asawang OFW sa barko, pagtitinda ng itlog ang pinagkakakitaan ngayon

- Dahil sa tindi ng kahirapan ngayon dulot ng krisis ng COVID-19, maraming mga Pinoy ang dumiskarte na lang sa buhay

- Ang mag-asawang OFW sa barko ay nagsimulang magtinda ng itlog ngayong patok ang baking at pagluluto habang quarantine

- Kahit hindi masyadong malaki ang naging capital nila, pumatok naman ang kanilang negosyo

- Giit nila, pagsubok lang daw ang krisis na ito at malalampasan din ng mga Pinoy ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming mga Pinoy nga ang tinamaan ng matinding kahirapan ngayon at marami rin ang nawalan ng trabaho dahil sa krisis na dala ng COVID-19.

Nalaman ng KAMI na ang mag-asawang overseas Filipino workers (OFW) ay dumiskarte ngayon para kumita ng pera habang hindi pa sila sumasampa sa barko.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, naisip ng mag-asawa na magtinda na lang ng itlog ngayong patok din ang pag-bake at pagluluto ngayong may quarantine.

“Ang daming nagpo-post about sa leche flan, mga nagba-bake na tao, so nag-decide kami siguro kami ‘yung kailangan niyo,” sabi ni Aljin Casela.

“Mayroon naman kaming ipon kahit papaano so ‘yun ‘yung ginamit naming pagpaikot ng business instead na matulog ‘yung pera namin,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Magkasama ang mag-asawa sa cruise ship na pinagtatrabahuhan nila. Pero, umuwi si Mary Casela noong Disyembre dahil siya ay nabuntis. Hindi nagtagal, bumalik na rin ng Pinas ang asawa niya.

Ang capital daw nila noon ay P20,000 lang at 20 tray ng itlog ang kanilang nakuha sa supplier. Mula doon, nagkaroon na sila ng loyal customers at patuloy na ang negosyo nila.

Magkasama rin sila sa paghahatid ng itlog sa mga customer. Nagbabalak din silang bumalik sa barko pero alam nilang hindi pangmatagalan ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Teamwork talaga. Ano lang ‘to, pagsubok lang. Madadaanan din natin ‘to, matatapos din natin kasi parang alon lang ‘to sa barko,” sabi ni Aljin.

“‘Wag lang mawawalan ng pag-asa. Kapit lang kay God, matatapos din ‘to. Sabi nga nila Pinoy tayo, virus ka lang. So laban lang,” dagdag naman ni Mary.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel