Anak, naghihinagpis nang madiskubre ang lagay ng magulang na OFW

Anak, naghihinagpis nang madiskubre ang lagay ng magulang na OFW

- Naluha na lamang daw ang netizen na si Keyzelle Collado Quitola nang madiskubre ang tunay na lagay ng mga magulang na OFW sa Saudi Arabia

- Sa isang social media post nito nalaman na ang mga nagsasakripisyong magulang ay namumulot na lang ng basura upang makakain

- Sabi pa ni Keyzelle, hindi raw sinasabi sa kanila ng mga magulang na ganito na pala ang kanilang kinahinatnan dulot ng pandemic

- Sa ibang mga report, ilang OFW na nga ang napilitang mamasura para manatiling buhay sa ibang bayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Magkahalong awa at gulat ang naramdaman ng isang anak nang madiskubre nito ang tunay na lagay ng kanyang mga magulang na overseas Filipino worker sa Saudi Arabia.

Sa social media pa raw nalaman ni Keyzelle Collado Quitola na namumulot na lang ng basura ang mga magulang upang may makain.

Sabi pa ni Keyzelle, hindi raw sinasabi sa kanila ng mga magulang na ganito na pala ang kanilang kinahinatnan dulot ng pandemic.

"Naluha ako nung nakita ko yang post na yan ,dahil alam ko si papa ko yan. Nakakadurog ng puso makita kong papa ko na ganyan ,kapag kausap nya kami parang wala syang problema ,sa iba ko pa makita ang sitwasyon nila ni mama ko," anito sa isang Facebook post.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kasama sa post ni Keyzelle ang ilang larawan at mga mensahe ng mga magulang sa socmed kung saan inamin ng mga ito sa anak ang kanilang sitwasyon.

Wala raw sahod ang mga ito sa loob ng tatlong buwan at wala ring mahingan ng tulong dahil sa krisis bunsod ng COVID-19 pandemic.

Kaya naman hiling ng mga ito bilang magulang ay ang makatapos ng pag-aaral ang mga anak.

Samantala, sa isang report ng GMA News, ilang kababayan nating OFW sa Riyadh ang nagbabakasakaling may maaari pang makain sa mga basura dahil sa gutom.

Nananawagan naman ng tulong ang ating mga OFW at kanilang mga pamilya upang makauwi na ang mga ito sa Pilipinas.

Marami na raw kasi sa mga ito ang nagkakasakit bukod pa sa gutom na kanilang tinitiis dahil sa kawalan ng kita roon.

Nangako naman ang OWWA na agad aaksyunan ang mga hinaing ng ating mga OFW.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel