Trillanes, nagbigay ng babala sa publiko matapos ang hatol kay Ressa

Trillanes, nagbigay ng babala sa publiko matapos ang hatol kay Ressa

- Nagbigay ng babala sa publiko ang dating senador na si Antonio Trillanes IV sa pamamagitan ng social media

- Ito ay kaugnay ng naging hatol kay Rappler CEO Maria Ressa na hinatulan ng guilty ng Manila Regional Trial Court 46 dahil sa kasong cyber libel

- Anito, senyales na ito na magkakaroon ng Martial Law sa bansa

- Ito umano ay malinaw na pag-atake sa demokrasya at freedom of the press sa Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pamamagitan ng Twitter, nagbigay ng kanyang opinyon si dating senador Antonio Trillanes IV sa publiko.

Ito ay kaugnay ng naging hatol kay Rappler CEO Maria Ressa na hinatulan ng guilty ng Manila Regional Trial Court 46 dahil sa kasong cyber libel na isinampa ng businessman na si Wilfredo Keng noong October 2017.

Kasama sa kinasuhan ang dating researcher na si Reynaldo Santos Jr.

"More than the obvious attack against the freedom of the press, Maria Ressa's conviction 4 cyberlibel is an attack against our democracy itself. We're now but a few steps away from Martial Law," ayon sa tweet ni Trillanes nito lamang June 15.

"Panahon na para mgsalita at mgsama-sama bago pa mawala nang tuluyan ang ating kalayaan," dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa isa pang tweet, ipinahayag din ni Trillanes ang hindi nito pagsang-ayon sa anti-terror bill.

Sabi nito, marami naman daw paraan para labanan ang terorismo sa bansa at hindi na kailangan pa ang nasabing bill.

"If the gov't is really serious about dealing with real terrorism, these are some policy proposals it could implement w/o the need for the Terror bill," sabi pa ng dating senador.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Antonio Trillanes IV ay dating senador ng Pilipinas at kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel