Netizen, nagulat sa pagtanggi ng mga batang palaboy na binibigyan pa niya ng makakain

Netizen, nagulat sa pagtanggi ng mga batang palaboy na binibigyan pa niya ng makakain

- Viral ang post ng netizen patungkol sa ginawang pagtanggi ng mga batang palaboy na tumulong sa kanila sa pagtatapon ng basura

- Imbis na pera ang ibigay, pagkain ang inalok ng netizens upang masigurong hindi nagugutom ang mga bata

- Nagulat siya nang kumuha lamang ng sapat ang mga bata na taliwas sa ginagawa raw ng karamihan sa ngayon

- Araw-araw mang bumabalik ang mga bata sa kanila, patuloy pa rin nilang binibigyan ang mga ito ng makakain lalo na ngayong halos ang karamihan ay naghihikahos dala ng pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa social media ang binahaging kwento ng isang netizen na may-ari ng kainan sa pasay City.

Kwento ni Duanne Astrera, ang dalawang bata sa larawan ay nagpresintang magtapon ng basura ng kanilang kainan.

Nalaman ng KAMI na imbis na bigyan ng pera ang mga bata, pinakakain na lamang nila ang mga ito upang masiguro na hindi sila nagugutom.

Ngunit laking gulat ni Duanne nang inalok pa niya ng dalawa ng gusto pa nilang kainin gayong snowball lamang ang hiningi ng mga ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang isang bata kasi ay humihirit pa sana ng siomai ngunit pinigilan ito ng kanyang kasama at sinabing "tama na, sobra na tayo."

Hindi raw inaasahan ni Duanne ang sagot na ito ng bata lalo na sa panahon ngayon na ang mga tao ay tila nagiging sigurista at hangga't may pagkakaton o oportunidad, talagang kinukuha nila.

Ngunit taliwas ito sa ginawa ng dalawang paslit na kontento na sa kung ano ang natanggap na sa tingin nila at sapat na.

"Sa panahon kasi ngayon, lalo na na lahat affected sa COVID, lahat gusto natin makuha. Pagkain, pera, karamihan nagho-hoard, more than what their family needs,” ayon kay Duanne sa panayam sa kanya ng Philippine Star.

“Pero these kids, they have the opportunity to take whatever, pero di nila inabuse,” dagdag pa niya.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pangongolekta ng dalawa ng basura sa kainan nina Duanne at patuloy din ang pagpapakain nila sa mga batang nagbigay sa kanila ng inspirasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel