Nanay, nakipag-barter online ng paglalaba kapalit ang panghanda para sa anak

Nanay, nakipag-barter online ng paglalaba kapalit ang panghanda para sa anak

- Hinangaan ang isang nanay sa Iloilo na nakaisip na dumiskarte para sa panghanda ng kanyang anak

- Hindi pa raw kasi ito nakararanas na maghanda sa kanyang kaarawan kaya naman nag-isip siya ng paraan upang mapagbigyan ito

- Laking pasalamat niya sa kaibigan niyang nagpahiram ng smartphone sa kanya upang makapagpost siya online at makahanap ng magiging customer niya sa paglalaba at pamamalantsa

- Dahil sa kabutihan ng mga netizens, higit pa sa panghanda ang natanggap ng kanilang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umantig sa puso ng netizens ang diskarteng ginawa ng nanay na si Jhona Dela Cruz ng Iloilo na dumiskarte online para may panghanda ang kanyang anak sa kaarawan nito.

Nalaman ng KAMI na hindi pa umano nakararanas ang isang anak ni Jhona na maghanda sa tuwing sasapit ang birthday nito kaya nag-isip siya ng paraan para mapagbigyan ang hiling nito.

Laking pasalamat niya sa kaibigang nagpahiram sa kanya ng smartphone upang "makapag-barter" online na usong-uso ngayong quarantine.

Imbis na mga pagkain o gamit, ang kanyang serbisyo ng paglalaba at pamamalantsa ang kanyang ipinapalit para sa panghanda ng anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Labis kasing naapektuhan ang panilya ni Jhona sa krisis na dala ng pandemya kaya maging ang pangaraw-araw ay kanila ring pinoproblema.

Ngunit dahil sa kabutihan ng ilang netizens na nalaman ang kalagayan ni Jhona, higit pa sa panghanda ng anak ang kanyang nalikom.

"Ngayon, meron na kaming pang-salad, pang-spaghetti at meron na rin kaming pang-ulam araw-araw," masayang ibinalita ni Jhona sa panayam sa kanya ni Mav Gonzales ng Saksi.

Hinangaan din si Jhona ng mga netizens dahil sa diskarte nito sa buhay maibigay lamang ang hinihiling ng kanyang anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang komento:

"Handaan kapalit ng quality laundrty service, ayos! Wala mang material na bagay na maipampalit, at least andun yung pagpupursige para mabigyan ng kahit simpleng selebrasyon ang anak! Saludo po ako sa nanay na ito!"
"Nakakatuwa lahat gawin para sa anak pero nanay marami pang bday ang darating sa anak mo magsikap ka para sa pang araw araw ninyo ganyang hirap kayo sa buhay.simpleng handa sa bday tama na.God Bless nanay sana maalala yan ng anak mo sa paglaki nya at suklian ka ng higit pa diyan"
"Nakakaiyak ito, mahal na mahal ng nanay ang kanyang anak. Lahat gagawin para maibigay ang kaligayahan ng anak"
"Very good nanay! saludo po kami sa ginawa mo para sa iyong anak"
"Mabuti kang ina, sana pagdating ng araw suklian yan ng iyong anak na pinakitaan mo ng kabutihan at pagmamahal."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel