Bata at senior na naghahanapbuhay kahit quarantine, umantig sa puso ng netizens

Bata at senior na naghahanapbuhay kahit quarantine, umantig sa puso ng netizens

- Viral ang larawan ng isang matandang lalaki na tumutugtog ng harmonica habang katabi ang isang batang lalaki na may hawak ng kahon para sa mga donasyon

- Umantig ang larawan sa mga netizens dahil mahigpit pa ring ipinagbabawal ang paglabas ng mga may edad 21 pababa at mga 60-anyos pataas

- Sa kabila nito, mas pinili nila ang dumiskarte para marahil may mailaman sa mga kumakalam na sikmura

- Nag-aalala ang mga netizens para sa kalusugan ng dalawa na sinasabing mas mabilis mahawa sa patuloy pa ring kumakalat na COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa social media ang larawan ng isang matandang lalaki na tumutugtog ng harmonica kasama ang isang batang lalaki.

Nalaman ng KAMI na kuha ito sa Cebu City kung saan mataas pa rin ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Dahil dito, nabahala ang ilang netizens sa kalagayan ng dalawa na mas piniling dumiskarte ng donasyon upang may panggastos marahil sa mga pang-araw araw nilang kailangan partikular na ang pagkain.

Nag-aalala rin ang marami dahil mahigpit pa ring ipinagbabawal ang paglabas ng mga may edad 21 pababa at 60-anyos pataas na pawang mga edad ng nasa larawan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ito raw kasi ang mga mas mabibilis kapitan ng virus na sa kasamaang palad ay patuloy pa ring lumalaganap.

Kapansin-pansin din ang lungkot sa mata ng batang may hawak ng kahong lagayan ng donasyon para sa kanila dala marahil ng pagod at gutom.

Nagpabatid naman ang ilang netizens na nais nilang matulungan ang dalawa at sana rin ay hindi nahuli o nasita sa kanilang ginagawa.

Narito ang larawan na kuha ni Aldo Banaynal ng The Freeman:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito naman ang ilan sa kanilang mga komento:

"Hi, is there someone who knows how can we help them? Please, thank you."
"Felt sad seeing this, but my prayers for you both."
"The very least, yet the greatest I can do is to send sincere prayers for those who are trying to survive each day. May God’s divine light be sent to you all, and may those who are financially capable be willing to extend some aid."
"Hello. I'm not from Cebu, but i wanna help po. if there are donation drive para sakanila. Thank you."
"This breaks my heart as a cebuana myself. My kababayans in Cebu City are struggling to make both ends meet."

Kasalukuyang ibinalik ang enhanced community quarantine ang Cebu dahil sa di mapigilang pagtaas ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lugar.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel